Chapter 35

2.4K 47 3
                                    


-Violet's POV-

"Zach!" Sa pagpatak ng ulan maraming katanungan ang naglalaro sa isip ko.

"Bakit bigla ka nalang nawala, ha?" Tanong ko. Saya ang nararamdaman ko dahil nakita ko na siya.

I miss him.

Hindi ito sumagot nakatingin lang siya sa 'kin. Wala akong nababasang kahit anong emosyon sa mukha niya.

Tingnan ko lang ang mukha niya. Natatakpan ng basa niyang buhok ang kanyang mata.

Why do I feel something strange? Parang may kakaibang aura sa likod niya.

"Sumama ka sa'kin, Violet!" Naapatras ako nang sabihin niya 'yon. My heart start to race and my hands are shaking. Fear travels to my  skin  and caused the hair to stand on end.

"H-hindi ikaw si Zach!" I stutter. Tumawa lang ito ng nakakakilabot.

Napatingin naman ako sa mga itim niyang mga mata na unti-unting nagiging pula.

"Sino ka ba talaga? Nasaan si Zach?" Kahit takot ang nararamdaman ko pinili ko paring hindi ipakita iyon.

"Ako si Zach!" Pinalabas niya ang fire wolf. Iniwasan ko lang ang mga pag-atake niya.

Gusto ko siyang labanan pero may pumipigil sa'kin. Kahit iba ang aura na nakikita ko sa kanya nararamdaman ko parin na siya si Zach.  Hindi ko alam pero ang pakiramdam ko wala sa sarili si Zach.

"Sasama ka sa'kin!" Muntikan na akong lumunin ng fire wolf niya. Mabuti nalang napigilan ko ito gamit ang aking charm creature manipulator.

"Zach, tama na!" Sigaw ko. Hindi ko na kayang pigilan ang charm creature niya masyado itong malakas.

Nakita kong paano nawala ang kulay pula nitong mata at bumalik ito sa totoo nitong kulay.

"Violet."

Unti-unti naglaho ang fire wolf at ngayon sigurado na ako si Zach ang nasa harap ko.

Kaagad akong lumapit sa kanya at niyakap siya, "Zach, ikaw  nga 'yan!"

Nabigla ako nang ilabas ni Zach ang dagger at itutok sa akin. I can feel the point of the dagger on my neck.

Napalunok nalang ako sa sarili kong laway habang nakatingin sa mata niyang bumalik sa pagiging kulay pula.

"Ahh!"

Napangiwi si Zach at napahawak sa kanyang ulo."Zach, ano bang nangyayari sa'yo?" Nag-aalaa kong tanong.

"Aahh!" Sigaw ulit nito habang nakahawak sa kanyang ulo.

"Zach, ano bang nangyayari sa'yo?" I panic. Kaagad ko siyang nilapitan pero nabigla ako nang itulak niya ako.

"Alis! Umalis ka na Violet!" Gusto kong lumapit sa kanya pero natatakot ako.

Imbis na sundin ko ang inutos niya nagmatigas parin ako. "Hindi ako aalis dito."

"Umalis kana habang may oras pa, Violet, hindi ako ang may kontrol sa sarili ko."

Tama ako may ibang taong kumukontrol kay Zach. Ang tanong sino ang kumukontrol sa kanya?

"Please listen to me." Parang dinudurog ang puso ko habang nakatingin sa kanya. I don't wanna see him like this.

"Hindi ako aalis dito, Zach, Hindi kita iiwan." Umiling ako bilang pagtutol. Halos hindi ko na makita ang mukha niya dahil sa namumuong luha sa aking mata.

"Damn it! You are really stubborn!" He smiled but it was a bitter smile. Tumayo siya at pinagmasdan ako.

The way he look at me, those stares mean something.

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now