Chapter 28

2.9K 81 3
                                    


Hannah's POV

Sa paglalakbay namin, ito ako ngayon. Pagod na pagod! Ilang oras na kaming naglalakad parang wala nang katapusan.

"Mamatay na ako! Ewan niyo nalang ako dito!" Sigaw ko, tinaratayan naman ako ni Queen.

"Manahimik ka nga, Hannah! Lahat tayo dito pagod na!" Sigaw niya tapos 'yon sinundan ng sermon ni Winter. Psh! Kala mo kung sino magsalita 'tong mga babaeng toh!

"Blah! Blah! Blah!" Tinakpan ko nalang ang mga tenga ko.

"Violet, ilang oras pa para marating yung bahay ni Karma?" Tanong ko.

"Karmen!" Pagtatama ni Caleb.

"Oo na! Karma! Karmen!"

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung ilang kilometro o oras. Hindi rin  natin sigurado kung nandon pa nakatira si Karmen." Pahayag ni Violet.

"Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi? Patay tayo ngayon!" -ako.

"Mabuti nagpaiwan ka nalang don at nakipaglaro kay Jenny." Sabi naman ni Caleb.

Ewan ko sa mga kasama ko dito! Pupuntahan namin yung lugar na hindi namin sure kung may tao pa ba. Pambihira naman oh...

"Wait lang! Zach, tiba kaya mong mag-teleport sa iba't ibang lugar? Gamitin mo nalang ang teleportation mo para makarating tayo kaagad kay Karmen." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ko magagawa 'yang sinasabi mo, Hannah. Kaya ko lang mag-teleport sa lugar na alam ko..." Pahayag niya.

Ashh! Ano ba 'yan! Sumimasangot nalang ako. Hindi na 'ko nagtanong at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Sa paglalakbay namin naramdaman ko namin ang biglang pagbabago ng panahon. Yung maliwanag na langit kanina bigla nalang dumilim.

Hmm..si Winter siguro ang may pakana nito.

"Winter, galit ka?" Tanong ko, tinaasan niya ako ng kilay.

"Huh? Pano mo naman na sabi?"-Winter. Kaagad kong tinuro yung langit.

"Sadyang masama lang talaga ang panahon kaya 'wag mong isisi sa 'kin" Sabi niya tapos naglakad na sa unahan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makapasok kami sa isang masukal na gubat. Nabalot ng hamog ang buong paligid halos wala na kaming makita dahil sa kapal ng hamog. Sinabayan pa ng napakalamig na hangin.

"Stay close together!" Sabi ni Zach habang na uuna sa paglalakad.  Kinakabahan tuloy ako may kakaiba kasi sa paligid. Parang may nagmamasid sa bawat kilos namin.

Napahinto kaming lahat nang may sumipol. Tinignan namin ang buong paligid, tama nga ang hinala ko may ibang tao dito.

"Lagot na!" Sambit ni Caleb, halatang kinakabahan.

Sa pag-ihip ng hangin muli naming narinig yung sipol, parang nagsitayuan ang mga palahibo ko.

"I sense danger!" Wika ni Violet. Kaagad kaming nagpalabas ng aming mga charm creatures.

Nagpaulit-ulit ang sipol hanggang sa tuloyan na naming hindi makita ang buong paligid.

"Winter! Queen! Violet!" Sigaw ko na patuloy sa paghahanap sa makapal na hamog.

"Ano ba 'to?! Asan na ba kasi sila?!" Tanong ko sa sarili ko. Nakakabaliw na toh!

Mula sa makapal na hamog may nakita akong isang  babae kaya nilapitan ko ito.

Sa unting-unti kong paglapit namumukhan ko siya. Huh! Anong ginagawa niya dito?

"Jenny?"

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now