Chapter 8

7.1K 212 9
                                    

-Third Person's POV-

"Kamusta na ang pagsasanay ni Violet?" Tanong ng Dark Queen sa kanyang alagad.

"Mabuti naman, Mahal na reyna." Sagot ng kanyang alagad.

"Magaling ka talaga, Miss. M!" Papuri nito.

"Marami nang oras ang nasayang, mahal na Reyan. Kailan pa tayo gagawa nang hakbang?!" Tanong ng isa pa niyang alagad. Lahat sila ay nagkakaisa para mapabagsak ang anak ng dating prinsesa.

"Hindi pa siya handa! Hindi pa niya napapalabas ang kanyang apat na charm creature."

Hinhintay nalang nila na mapalabas ni Violet ang kanyan apat na charm creature at pagnangyari yon, magagawa na nila ang kanilang mga plano. Pinagmasdan ng Dark Queen ang mukha ni Violet mula sa malinaw na tubig.

"Malapit na, Violet!" Sambit ng Dark Queen.

Malapit na ang araw kanilang pinakahihintay.

-Violet's POV-

Papunta na ako ngayon sa training room, habang naglalakad ako nakita ko si Zach na may kausap. Sino kaya yun? Pinagmasdan ko lang sila mag- usap, parang galit na galit si Zach sa kausap niya. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Pagdating ko sa training room nagsimula na ako magtraining.

*Boshhh*

Aray ko! Ang sakit ng katawan ko! Hindi ko inaasahan na sasabog yung fire ball na ginawa ko. Hindi na ako makatayo dahil ang sakit talaga ng buong katawan ko.

"Anong yari sa'yo?!" Napalingon ako sa likod, nakita ko si Zach nag-aalala. Tinulungan niya akong makatayo.

"Anong nangyari dito?! Ano na naman ang ginawa mo?!" Tanong niya na halos pasigaw.

"Hindi ko alam na sasabog yung ginawa kong fire ball!" Paliwanag ko. Nakakainis siya! May gana pa talaga siyang sigawan ako. Tumingin ako sa paligid, halos mawasak ko na yung buong training room.

"Sa susunod 'wag kang magsisimula pag wala pa ako!" Sigaw niya sa akin pero kitang kita sa mukha niya ang pag-aalala. Tumango nalang ako.

"Training Dismiss!" ~Zach. "Bumalik ka nalang bukas dito para sa training natin. Hindi mo kayang magtraining ngayon." He said. Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang mawalan ako nang balance, kaya ang sunod na nanyare ay nadaganan ko si Zach. Nasa ibabaw ako ni Zach! Ay!!! Nagkatinginan kami ni Zach ng ilang minuto. Naramdaman ko ang pagbilis ng puso ko at pagwawala ng mga creatures sa tiyan ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko?! Agad ako tumayo tapos umalis na.

-Clinic-

"Ano bang nagyare sa'yo? Bakit ang dami mong sugat?" Tanong ni Winter habang ginagamot ako ng nurse.

"Habang nagpa-practice kasi ako biglang nag-explode yung ginawa kong fire ball kaya nagkaganito na." I said. Kumonot ang noo ni Winter na para bang may iniisip.

"Nakapagpalabas ka ng malaking energy? Pero paano? Ang pwede lang makapagpalabas nang malalakas na energy ay mga taong may Royal charm creature." Sabi ni Winter sa akin. Hindi ko alam ang mga sagot sa tanong ni Winter, kasi ako rin hindi ko alam.

"Hindi naman ganon kalala ang mga sugat mo. Mag ingat ka nalang sa susunod." Sabi ng nurse tapos umalis na. Tiningnan ko naman ang braso ko, wala nang nga sugat. Bumalik na kami ni Winter sa dorm para makapagpahinga ako.

Violet's Vision

Nasa isang gubat ako, tumatakbo wala akong makita kundi mga puno. Takbo pa rin ako nang takbo.

"Akala mo makakatakas ka!" Sabi ng babae na nakaitim, tumakbo nalang ako pero naabutan niya. May sinambit na mga salita yung babaeng nakaitim,

"Mas fis ess less me."
(A/N: Imbento lang po 'tong mga salitang ito.)

Hindi ko magalaw ang katawan ko, hindi na ako makahinga! Naramdaman ko ang pagsakit nang ulo ko!

"Tulong! Aahhh!" Ang sakit ng ulo ko, hindi ko na kaya.

"Aahhhhh!" May mainit na bagay na lumabas sa katawan ko, isang enerhiya na para bang noon pa ay gusto nang lumabas. Tiningnan ko ang paligid ko
Fire is surrounding us At doon nakita ko ang isang...

"Violet!" Agad kong minulat ang mga mata ko at doon ko nakita si Hannah at Winter.

"Okay ka lang ba?" Tanong nilang dalawa.

"Oo." Tanong ko.

"Salamat naman okay ka lang." Sabi ni Hannah. They both sigh in relief.

"Ano bang nangyare?" Tanong ko.

"Nagsisigaw ka kasi kaya pumunta kami ni Winter para tingnan kong ano nangyayare, at binabangungut ka." Sabi ni Hannah. Naalala ko yung panaginip ko na parang totoo. Sino kaya yung babae sa panaginip ko?

"Punta na kami sa baba, doon ka nalang namin hihintayin." Sabi ni Winter tapos umalis na sila. Nagsimula na akong mag- ayos.

Papunta na kami sa history class namin. Sa bawat taong nadadaanan ko tumitingin sila sa akin tapos bulungan. Hinayaan ko nalang sila, ano naman ang makukuha ko sa mga tinginan at bulongan nila?! Pagdating namin sa classroom, pumunta na kami sa mga seats namin.

"Good morning Charm Holders!" Greeted nang professor Ann sa amin.

"Alam ba ninyo anong meron bukas?" Tanong ni professor sa 'min. Wala namang sumagot kaya si professor nalang ang sumagot sa tanong niya.

"Magkakaroon tayo nang camping para sa ating star gazing. Kaya maghanda na kayo para bukas!" Announce ni Professor Ann.

"Yes! Magka-camping tayo!" Cheered ni Hannah.

"Excited na talaga ako!" Sabi ni Winter.

"First time kong mag star gazing at excited talaga ako." I said.

Lahat ng classmates namin excited sa camping na magaganap bukas. Can't wait for tomorrow.

-Third Person's POV-

"Bukas na magaganap ang pinaka hihintay nating araw!" Sabi ng Dark Queen.

"Nakahanda na ba ang lahat?" Tanong nito.

"Opo, mahala na reyna. Nakahanda na ang lahat." Sagot ng kanyang alagad.

"Mabuti! Maghintay ka nalang, Violet, malapit na ang pagbagsak mo!" Hindi maitago ang pananabik nila na mapasakamay nila ang prinsesa.

Lahat ay gagawin para lang makuha lang ang kanilang gustong makuha. Sa araw nang pagsasaya doon naman naghahasik nang lagim.

Palapit na ang araw na kanilang pinaka hihintay. Ang araw nang pagbaksak niya, o ang araw nang pagbagsak nila.

****************************

Sa wakas nakapag update na rin ako! Thank you pala sa mga nag vote at nag comment sa story ko. Thank you dahil hindi kayo nagsawa sa pagbabasa sa story na ito:)

See you in my next update!!!

Vote, Comment, Spread!!!

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now