Chapter 25

3.5K 76 2
                                    

Hi,Guys! Ito na yung pinangako😊 Sorry dahil ngayon lang ako nag-update dapat Jan 15, kaso lang nawalan kasi ng internet connection sa bahay kaya ganito ang nangyari. So, I hope you enjoy this chapter...

-Violet's POV-

Pagkatapos naming maka-usap si Prinsesa Sirene pumunta naman kami sa section nila Winter.

"I'm excited for the ball!" Sigaw ni Queen.

"Alam namin hindi mo na kailangan ipagsigawan pa." Inis na pagkasabi ni Winter. Pagdating namin sa loob sinalubong naman ako si Headmaster Fernando,

"Violet, pwede ba kitang maka-usap?" --Headmaster. Tumango ako at nagpaalam sa mga kaibigan ko.

"Bakit po Headmaster Fernando?" Tanong ko.

"Hindi kasi dumating ang mag-aayos ng ball para mamaya...ngayon wala akong oras para maghanap kaya ikaw nalang ang aasahan ko." Sabi ni Headmaster Fernando.

"Wag kang mag-alala may kasama ka namang mag-aayos doon at maghahanap pa ako. Maraming salamat Violet...napakabait mo talagang bata." Sabi niya at umalis na.

Hindi man lang hinintay ang sagot ko. Headmaster talaga oh... Well, wala naman akong magagawa kundi sundin nalang ang utos niya.

Pumunta na ako sa lugar kung saan gaganapin yung ball. Pagbukas ko sa pintuan isang mukha ang bumungad sa 'kin.

"Ahhh!" May balak ba siyang patayin ako?

"Tsk." Yan lang ang sagot niya wala talagang nagbago sa kanya. Teka, bakit siya nandito?

" 'Bat ka ba nandito?" Tanong ko.

"Nagpapahangin lang!" Pelosopo niyang sagot. Tinatanong ng maayos tapos ganito ang isasagot niya sa 'kin. Wow lang!

"Tsk! Sabihin mo lang na ayaw mo akong makasama." Bulong niya. Hindi ko nalang siya pinansin at kinuha ang mga table para ayusin ito.

Baka mabaliw pa ako pagkasama ko si Zach eh. Ang lakas kasi ng tibok ng puso, bakit ba kasi ako nagkakaganito? Dapat kalimutan ko na siya.

Natapos ko nang ayusin yung mga table, kukuha sana ako ng mga decoration ng mapansin ko yung isa pang table. Kukunin ko sana yung table nang kunin 'to ni Zach. Ngayon para kaming nag-aagawan.

"Ako na maglalagay nito." Sabi ko sa kanya habang sinusubukang kunin ito.

"Ako na." --Zach.

"Ako na!"

"Ako na nga!" Nakakainis ka na talaga Zach!

"Bat ba ang tigas ng ulo mo?" Sigaw niya.

"Oh sa'yo na!" Sabi ko.

"Wag na! Iyo na yan!" Kita mo nga naman oh...binibigay na ayaw pang tanggapin.

"Binibigay na nga sa'yo tapos ibibigay mo sa 'kin, ano to lokohan?" Inis kong pagkasabi, pilit na binibigay sa kanya yung table.

"Well, what we have here?" Napatingin naman kami sa pinto-- nandoon sina Queen, Winter, Hannah at Caleb.

"Tug of table! Sali rin ako!" Sigaw ni Hannah. Agad kung tinulak yung table kay Zach at nataaman ang kanyang tiyan. Buti nga sa'yo!

Napahawak naman siya sa tiyan at sinamaan ako ng tingin.

"Pinapunta pala kami ni Headmistress Diana dito para tumulong sa pag-de-decorate." Sabi ni Winter sa 'kin, tumango naman ako. Lumapit naman si Caleb kay Zach.

"Ikaw pala si Zach! Nice to meet you!" Sabi ni Caleb dito pero nilampasan lang niya ito. Ano bang nangyari sa lalakeng yon?

"Hayaan mo nalang si Zach ganyan talaga yan." Pag-co-comfort sa kanya ni Queen.

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now