Chapter 17

4.7K 171 9
                                    

Maraming salamat po sa mga taong nag-vote at nag- comment. Thank you guys and sorry sa long wait. 5k guys! Di ko po yon na imagine. Thank you po talaga and God bless to all:)!!!

-Violet's POV-

Iyak lang ako ng iyak hindi ko parin matangap na wala na si Tita Vet. Bakit lahat ng mahalaga sa akin nawawala?

"Mabuti pa umalis na tayo dito!" Sabi ni Headmistress Diana, tumango naman ako. Papaalis na sana kami nang bigla nalang sumulpot si Preceptor Miranda.

"Miranda!" Sabi ni Headmistress Diana, "Anong ginagawa mo dito?!"

"Nandito ako para kunin si Violet!" Sagot niya.

"Isa kang malaking traydor, Miranda, dapat hindi ka na namin pinagkatiwalaan." Galit na wika ni Headmistress Diana. Tumawa lang si Preceptor Miranda sa sinabi nito.

"Sino bang nagsabi na pagkatiwalaan mo ako?!"-Miranda. Inatake ni Miranda si Headmistress Diana.

"Mirandaaa!" Sigaw ng isang lalake. Si Headmaster Fernando. Natamaan si Miranda ng Air Spike mula sa Air Lion nito.

"Hahaha! Akala niyo ba nanalo na kayo! Nagkakamali kayong lahat!" Sabi niya. Kitang- kita na hirap na hirap na siya sa paghinga.

"Umpisa palang ito!" Dito na nawalan ng buhay si Preceptor Miranda.

Napakabilis ng pangyayari sa loob ng isang oras dalawang tao ang nawala. Isang taong pinakamamahal ko at isang taong pinagkatiwalaan ko.

Ang gulo ng buhay ko parang isang basag na baso na kailangan kong pulutin para mabuo. Pero mahirap gawin yon.

"Umalis na tayo!" Utos ni Headmaster Fernando.

Pagdating namin sa loob ng school, nakita ko yung iba ko pang kasamahan.

"Violet!" -Hannah at Winter. Dali-dali silang lumapit sa akin. Halatang nag-aalala.

"Okay ka lang ba? Hindi talaga kami pamapakali kanina!" Sabi ni Hannah.

"Nagulat nga kami dahil bigla nalang umatake ang mga dark charm creatures! Mabuti naman at ligtas ka." Sabi naman ni Winter. Wala akong sinagot o sinabi tulala lang ako at wala sa sarili.

"Okay ka lang ba? Violet?" Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Naalala ko ang lahat ng nangyari kanina. Si Tita Vet! Wala na siya. Tapos si Zach. Ang gulo na talaga ng buhay ko!

"Violet!" -Hannah. Umiyak lang ako ng umiyak, wala na akong paki-alam kung maraming nakatingin sa akin.

"Mabuti pa magpahinga ka na muna at para magamot din ang sugat mo." Payo ni Headmistress Diana at pinahatid ako sa clinic.

-Winter's POV-

"Anong nangyari kay Violet? !" Nagtatakang tanong ni Hannah.

"Parang wala siya sa sarili niya!" -Queen. Para nga. May nangyari bang hindi maganda? Napatingin naman ako kay Zach, blanko lang ang mukha niya pero isang tao yung kumuha nang atensyon ko. Si Jenny ba yun?!

Si Jenny nga!

"Kailan pa nakabalik si Jenny dito?" Tanong ko kay Queen.

"Si Jenny? Hindi ko alam." Sagot niya. Pati rin pala siya hindi alam.

"Sumama kayong lima sa akin!" Utos ni Headmistress Diana. Tumango nalang kami tapos umalis na.

Pagdating namin doon sa office nadatnan namin na nandoon yung mga ibang magic councilors.

"Umupo kayo!" - Headmistress Diana. Napatingin nalang ako sa iba kong kasamahan. Bakit ba kami nandito? Pagkaupo namin doon na nagsalita si Headmistress Diana.

The Dragon Princess (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon