Chapter 36

2K 45 1
                                    


"Ang araw ng pagbubukas ng iyong tadhana ay ngayon na." Isang boses ang naririnig ko mula sa madilim na lugar.

"Kailangan mo nang harapin ang iyong tadhana."

"Sino ka ba talaga? Magpakita ka sa'kin!" sigaw ko. Nagpalinga-linga ako para hanapin kung sino 'yung nagsalita pero tanging dilim lang ang nakita ko.

"Ang tunay na kalaban ay nagkukumbli sa loob. Huwag mong hayaan na lamunin ka nito katulad ng nangyari sa kanya."

Hindi ko siya maintindihan, ano ba ang pinagsasabi niya? Anong nasa loob ang tunay na kalaban? Napakagulo na.

"Magpakita ka sa'kin! Hindi ko maintindihan ang lahat ng sinasabi mo!"

"Sino ka ba talaga?!"

"Makikilala mo rin ako at malapit
na..."

********

Liwanag mula sa bintana ang sumalubong sa'kin. Kaagad akong bumangon at nilibot ang tingin ko. Kaagad sumalubong sa paningin ko si Headmistress Diana na nakaupo sa gilid ng kama.

Bahagya akong napahawak sa ulo ko nang maradaman ko ang biglang pagsakit nito.

Parang binuhusan ako ng isang drum ng alaala. Si Zach! Kailangan ko siyang makita!

Kaagad akong umalis sa pagkakahiga sa kama ko, laking gulat ko nang matumba ako sa sahig.

Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko napakahina ko? Parang nawala ang lahat ng lakas ko. I feel like I was drained.

"Violet!" sigaw ni Headmistress Diana, "bakit ka ba umalis sa pagkakahiga mo?" Tinulongan akong itayo ni Headmistress Diana at pinaupo sa kama.

"Kailangan kong puntahan si Zach!" wika ko. Pinilit ko ang sarili kong tumayo mula sa pagkakaupo pero hindi ko pa rin magawa. Bakit ang hina ko?

"Hindi mo pa kayang tumayo,Violet, maraming nawalang inerhiya sa'yo." Umupo si Headmistress Diana sa tabi ko. Isang nag-aalalang Headmistress ang nakikita ko ngayon.

"Pinag-alala mo kami, Violet." she said in a worried tone, "hindi naman alam kung anong nangyari sa'yo noong gabing iyon buti nakita ka namin."

"Akala namin nakuha kana ng Dark Queen noong gabing 'yon." dagdag ni Headmistress Diana.

Bahagyang kumunot ang noo ko nang marinig ang pangalan ng Dark Queen. Ibig sabihin pumunta ang Dark Queen dito?

May mga itatanong pa sana ako kay Headmistress Diana nang dumating sina Queen at Caleb.

"Headmistress Dia-"

"Violet! Gising ka na!" sigaw ni Queen. Kaagad silang lumapit sa'kin at niyakap ako. 

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" Napangiti nalang ako sa sunod-sunod na tanong ni Queen sa'kin. Talagang nag-alala sila.

"Mabuti gising kana, Violet, si Zach nalang ang hinihintay naming gumising." pahayag ni Caleb.

"Kamusta na ang kalagayan ni Zach?" Hindi ko maiwasang mag-alala para kay Zach.

"Well, he's fine natanggal na namin ang hypnotism liquid sa kanyang katawan."

Hypnotism liquid? Iyon ba ang dahilan kung bakit parang wala sa sarili si Zach.

"Pero hindi ko lang alam kung magiging okay pa si Zach kung malaman niya ang tungkol kay Jenny." dagdag pa ni Queen.

"Anong tungkol kay Jenny?" napakagat si Queen sa bibig niya at tumingin kay Caleb. Pinandilatan lang ni Queen ng mata ito. Nagkibit balikat lang si Caleb.

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now