Chapter 23

3.6K 103 5
                                    

Guys! Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update😭 Kakatapos lang namin mag-3rd Quarter exam  tapos may mga PT pa. Pero ngayong bakasyon na... Makakapag-update na ako😄

Happy Reading

-Third Person's POV-

Ang araw ng pagdiriwang ay dumating na lahat ng tao ay nagsisidatingan na galing sa iba't ibang lugar.

"Ang ganda naman dito!" Wika ni Hannah habang dala-dala ang kanyang mga gamit

"Same pa rin kaya siya, Hannah. Ilang beses ka na ba nakapunta dito ha?" Inis na pagkasabi ni Queen. Tinarayan nalang niya ito.

"Tumigil na nga kayo!" Saway ni Zach.

"Hayaan mo na yan sila, mga pusa kung mag-away!" Sabi naman ni Winter.

"Ang 'sama mong ate sa 'kin!" Sigaw ni Hannah.

"Ang sama mo ring kaibigan!" Dagdag pa ni Queen. Tumawa nalang si Winter.

"Edi mabuti!" Sabi ni Winter tapos na una nang maglakad sa kanila.

Pumunta naman tayo sa kabilang dako, kung saan naghahanda sina Violet at Caleb sa pagdating ng mga panauhin.

"Ang dami ng tao!" Sabi ni Caleb habang inaayos ang mga pagkain sa table.

"Kailan magsisimula yung event?" Tanong ni Violet.

"Mamaya pang 1:00 pm yung laban at 8:00 naman yung ball." Simpleng sagot ng binata. Nagpaalam muna si Violet na pupunta sa labas para salubungin ang iba pang mga bisita.

Habang naglalakad si Violet bigla nalang itong natisod, mabuti nalang at may taong nag magandang loob na tumulong sa kanya.

"Tulungan na kita!" Wika ng lalake at inabot ang kanyang kamay sa dalaga.

Tiningnan ni Violet ang isang lalake nasa 40 na ang edad at nakasuot ng magandang damit. Napansin din niya ang korona nito. Napa-isip tuloy si Violet,

Hari ba siya?

"Maraming salamat sa pagtulong ninyo sa akin! Hindi kasi ako nag-iingat ka iyan tuloy" Wika ni Violet dito. Parang natuwa naman ang lalake kay Violet.

"Walang ano man... sa susunod mag-ingat ka, hija." Wika ng lalake. Nagpasalamat ulit si Violet dito at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Mahal na hari! Kanina ko pa kayo hinahanap. Tara na po sa loob!" Wika ng kanyang tagapagbantay. Napahinto naman si Violet nang marinig niya yon.

Mahala na hari? Bakit ngayon ko lang naisip iyon?

Wika ni Violet sa kanyang isipan, nagpatuloy na siyang maglakad.

*******

Habang nasa gitna ng pagdiriwang, napahinto ang  lahat nang dumating ang isang panauhin. Lahat ng tao ay nagsitinginan sa isang karwahe.

Sino yung dumating?
Tanong ni Violet sa kanyang isipan. Pumunta siya sa gate para tingnan kung sino ba ang dumating.

Mula sa karwahe lumabas ang isang babaeng nakadamit ng pula. Naagaw niya ang pansin ng mga tao nang lumabas siya. Ang iba ay namangha dahil sa kanyang aking ganda.

Sino kaya siya?
Tinitigan lang ito ni Violet hanggang sa mahuli siya ng babae. Nakaramdam siya ng kakaiba nang ngumiti ito sa kanya.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko mapaliwanag.... parang may kakaiba sa kanya.

Pumasok na sa loob si Violet para hanapin si Caleb.

"Caleb!" Tawag niya dito. Lumingon naman si Caleb at pinuntahan ito.

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now