Chapter 31

2.3K 57 3
                                    


-Violet's POV-

Ilang oras na akong nagpagulong-gulong dito sa kama pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Gusto nang pumikit ng mata ko pero yung utak ko buhay na buhay pa rin.  Bumangon ako sa pagkakahiga at umupo sa kama.

"Katulad ka rin ng iyong ina..." parang sirang plaka na paulit-ulit na humahagip sa isip ko. Hinilamos ko ang dalawa kong kamay patungo sa buhok ko.

"Anong alam niya?" I mummbled to myself. Tumayo ako sa mula kama at kinuha ang jacket ko. Pupunta nalang ako sa labas hindi naman kasi ako makatulog.

Naglakad-lakad muna ako sa madilim na hall mabuti nalang may mga tourches sa bawat gilid na nagbibigay liwanag sa madilim na pasilyo. Sa paglalakad ko nakakita ako ng isang lumang gate sa loob nito may isang garden. Bukas na yung gate kaya naisipan ko nalang pumasok.

Sa loob ng garden makikita mo ang magagandang bulaklak at halaman, meron ding wishing well sa tabi ng isang bench.

Wala ka nang maririnig sa buong paligid kundi mga sanga ng puno na kumakaluskos at tunog ng mga kuliglig sa paligid. Dumungaw nalang ako sa may wishing well, kitang-kita sa tubig ang maliwanag na buwan. Ang ganda!

"Sayang wala ako piso o kahit fifty centavos para ihilog." Sabi ko habang nakatingin sa sarili ko mula sa tubig. Halos mapatalon ako dahil sa gulat nang may nagtapon ng kung ano sa well.

"Pwede ka nang humiling nakapaghulog na ako."
Sabi ko na nga ba kabote ang lalakeng 'to. Sinamaan ko lang ng tingin si Zach na nakapamulsa habang nakatingin sa'kin.

"Ano?" Inosente niyang tanong , kahit hindi masyadong maliwanag kita ko pa rin ang mukha niyang nakangisi. 

"Hindi ka nga kabote." Sarkastiko kong wika.

Patuloy pa rin siya sa pagtawa kahit yung magulo niyang buhok  tinatabunan na ang kalahati niyang mukha. Nahimasmasan siya sa kakatawa at seryosong tumingin sa akin.

"Bakit?" Kunot noo kong tanong. He just shrugged and looked away. Wala akong nagawa kundi umupo sa damuhan. I just played with grass underneath my hands, I close my eyes and feel the soft breeze brush through my hair.

Binuksan ko ang mga mata ko at tumingala sa langit. Napakaganda talaga ng mga bituwin. They filled the dark side of the sky with their shining light. Naalala ko tuloy sila mama at papa.

Nakita ko si Zach na nakatayo sa gilid ko habang nakatingin sa 'kin.

"May na alala ka?" Aniya tapos tumabi sa tabi ko.

"Naalala ko lang sila mama at papa sila kasi yung kasama ko noong nagsta-star gazing kami. Noong namatay sila, si Tita Vet na yung palaging sumama sa'kin para mag-star gazing pero wala na siya." 

Naramdaman ko ang pag-iba ng tensyon sa paligid nang banggitin ko ang pangalan ni Tita Vet. Naramdaman ko nalang ang pagtayo ni Zach sa tabi ko at naglakad paalis.

Gusto ko siyang sundan pero sinasabi ng utak ko huwag pero iba naman ang sinasabi ng puso ko. These two arguing inside of me. Bahala na nga!

"Zach!" I shouted. Huminto siya sa paglalakad pero hindi siya humarap sa akin.

"Napatawad mo na pa ba ako, Violet?" Nagulat ako sa tinanong ni Zach. Sa pagkakataong iyon humarap siya sa akin at tinignan ako sa mata. Hindi ko mabasa ang emosyon ang nakapinta sa mukha niya, para akong nalulunod sa mga tingin niya sa akin. Naging tahimik kami sa mga sandaling iyon na para bang walang tao.

Napatawad ko na ba si Zach? That is the question I've been trying to answer. Bumalik lahat sa akin ang mga nangyari.

Si Zach palagi niya akong nililigtas at palagi rin siyang nandiyan kung kailangan ko siya. Alam ko na rin kung bakit nagawa ni Zach ang 'yon dahil sa kapatid niya.

The Dragon Princess (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon