Chapter 15

5K 198 1
                                    

Dedicated to: TShieMhey, zyneth10735 and imsocute_03. Thank you for voting:)

-Thirds Person's POV-

Sa kaharian ng kadilaman naghahanda na ang mga alagad ng Dark Queen sa kanilang pagsalakay.

"Ano ang binabalak mo?!" Tanong ni Alli sa Dark Queen.

"Malapit na ang pagbagsak ni Violet at sisiguraduhin ko iyon." Sagot ng Dark Queen kay Alli. Napatawa lang si Alli sa sinabi ng Dark Queen.

"Anong nakakatawa sa sinabi ng Dark Queen, Alli?" Tanong ni Jervana.

"Diyan kayo nagkakamali! Hindi ninyo mapapatay ang Dragon Princess." Sabi ni Alli, agad namang napunta ang atensiyon ng Dark Queen sa sinabi ni Alli.

"Paano mo na sabi ang mga bagay na iyan?" Tanong ng Dark Queen, "Kung nagawa kong patayin ang Dragon Princess noon at ang kanyang unang propesiya. Kaya ko rin patayin ang pangalawa." Sabi nito.

"Diyan ka nagkakamali, ang unang propesiya ay buhay pa at siyang tatapos sa iyo." Natigilan ang Dark Queen sa sinabi ni Alli. Nag-iba ang timpla ng kanyang mukha.

"Ano ang iyong ibig sabihin?! Matagal nang patay ang anak ni Zarah! Paano ito mabubuhay?! Paano!" Galit na tanong ng Dark Queen kay Alli. Hindi sumagot si Alli. Ginamit ng Dark Queen ang kanyang kapangyarihan para patayin si Alli.

"Sabihin mo sa'kin kung buhay pa ba ang anak ni Zarah?!" Tanong ng Dark Queen habang hawak-hawak ang leeg ni Alli.

"Ang batang naging una at ang taong pangalawa ang siyang tatapos sa iyong kasamaan." Doon na nagtapos ang buhay ni Alli. Hindi naintindihan ng Dark Queen ang huling sinabi ni Alli.

"Jervana! Hanapin mo ang unang propesiya na sinasabi ni Alli at patayin!" Agad namang natungo si Jervana at ang kanyang alagad para hanapin ang anak ng dating reyna.

Samantala, nagugulohan pa rin ang Dark Queen sa sinabi ni Alli. Hindi niya ito maintindihan dahil sa pagkakaalam niya matagala nang patay ang unang propesiya.

"Ano ang iyong ibig sabihin, Alli?" -Dark Queen.

Malapit na ang kanilang pagtutuos at ang paglabas ng katotohanan. Lahat ng lihim ng nakaraan ay mabubunyag at ang kanilang paghaharap ay nalalapit na.

Dark Queen at Violet

Reyna laban sa Prinsesa

Liwanag laban sa Dilim

Ang taong naghintay ng matagal para makamit ang bagay na kanyang matagal nang inaasam ,o ang taong matagal nang namumuhay sa mundong ng kasinungalingan.

Abangan ang kanilang pahaharap...

-Violet's POV-

"Ano ba ang group competition?" Tanong ko kay Winter.

"Ang group competition ay isa sa mga laro dito sa school natin at every year ginaganap ito." Explained niya, "Bali ang group na mananalo sa competition ay makakapunta sa Magic Council." Paliwanag ni Winter. So, ganon pala.

Nandito pala kami sa open field dito daw kami magta-training, sabi ni Queen.

"Nakasali na ba kayo ni Hannah sa mga group competition?" I asked. Parang natigilan si Winter sa sinabi ko dahil bigla niyang nabitawan ang book na binabasa niya.

"Oo, ang mga group mates ko noon ay sina Queen, Zach." Walang emosyon na sagot ni Winter. Naging group mates rin pala ni Winter sila Queen at Zach.

Parang wala akong kaalam-alam sa history nilang apat ha. Naging magkaibigan kaya sila?

"Yes, naging mag best friend kaming apat." Nagulat ako nang may boses akong narinig, para bang sa utak niya pinapadaan ang kanyang bawat sinasabi.
Napatingin naman ako sa paligid. Si Hannah pala 'yon.

The Dragon Princess (Under Revision)Onde histórias criam vida. Descubra agora