The Dragon Princess: Epilogue

3.8K 55 4
                                    


"Ikaw si Violet Alfonzo..."

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko nilipat ang tingin ko kayla Mama at Papa. Ilang araw na rin kaming hindi na nag-uusap simula nung araw na 'yon.

Muli kong binalik ang tingin ko sa labas. Iba't ibang gusali na ang nadaanan namin at hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta. Basta isang araw sabi nalang ni Mama na kailangan ko daw mag-imapake at hindi ko nalang sila tinanong pa.

Marami pa ring tanong na gumgulo sa utak ko. Lalo na yung lalake na iyon na hindi ko naman kilala. Bakit nila sinasabi na ako daw si Violet?

Isa rin yung pangalan na yon. Matagal ko nang napapanaginipan ang pangalan na 'yon. Gulong-gulo na ang utak sa mga katanungan na nasa isip ko. Napabuntong hininga nalang ulit ako at sinandal ang ulo ko sa bintana.

"Jane?" tawag sakin ni Mama kaya humarap ako sa kanya. Lumapit siya sakin at hinawakan ang aking kamay.

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. "Gusto kong humingi ng tawad sa iyo anak ko. Alam kung hindi na non mababawi lahat ng taon na nawala ka sakanila kaya patawad. Palagi mo sanang tandaan na minahal ka namin ng Papa Oscar mo bilang isang tunay na anak." Isa-isang bumagsak ang luha ko nang marinig ito kay Mama.

"Patawad talaga Jane." sabi ni Mama pagkatapos ay lumuhod sa harapan kaya kaagad ko siyang tinayo. Iyak lang siya nang iyak at paulit-ulit na humihingi ng tawad.

Hindi ako makapaniwala na hindi ko pala sila tunay na magulang. Dalawang taon na pala akong namumuhay sa kasinungalingan. Bakit ba kasi ganito? Gusto kong matawa dahil sa mga nangyayari sakin. Hindi ko na tuloy maiwasan na mapaiyak parang gripo na ang mata ko.

Tinignan ko si Mama na umiiyak pa rin kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Kilala niyo po ba ang tunay kong magulang?" tanong ko sa kanya. I looked at her hoping she have the answer. Pero parang bumagsak ang mundo ko nang umiling lang si Mama.

"Pero sa lugar na pupuntahan natin sigurado ako ay masasagot non ang tanong mo." saad ni Papa. Sakto naman na huminto ang sasakyan. Unang bumaba si Mama at inalalayan naman ako ni Papa.

Bumungad sakin ang isang malaking gate at sa loob makikita rito ang isang malawak na field. Makikita rin ang malaking gusali sa loob. Napakaganda ng lugar na 'to.

Tinignan ko sina Mama at Papa nangiti lang sila sakin.

"Anong lugar to?" tanong ko sa kanila. Hindi sila sumagot ang tanging ginawa lang nila ay yakapin ako.

"Mahal na mahal ka namin anak... ngayon kailangan mo nang bumalik sa tunay mong pamilya." unti-unti kong naramdaman ang pagluwag ng yakap nila sakin.

"Mahal ko po rin kayo." bulong ko.

Napatingin nalang kaming lahat sa gate nang bumukas ito. Isang matandang babae ang bumungad sakin. Natulala lang ako sa di ko malamang dahilan.

K-kilala ko ba siya?

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang bahagyang pagkirot nito. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Ngumiti siya sakin, "maligayang pagdating sa Charm East University..." bati niya sakin. Pumasok na siya sa loob kaya sumunod lang ako sa kanya pero bago pa ko makalayo ay sinulyapan ko sina Mama at Papa. Kumaway lang sila sakin hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

Sa paglalakad namin, iba't ibang lugar ang napuntahan namin at bawat lugar na iyon ay parang alam na alam ko. Parang nakapunta na ko dito dati pa.

"Kamusta kana?" tanong niya.

"Maayos lang po ako?" maikli kong sagot. Huminto kami sa isang glass door kung saan matatanaw ang malawak na open field pero hindi ito ang kumuha ng pansin ko. Iyon ang mga taong nasa labas.

"Kamusta kana? Matagal rin bago ka makabalik mahal na Prinsesa Jane..." yumuko siya.

Tulala ko lang siyang tinignan hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nagsimulang mamuo ang luha sa aking mga mata.

"Karmen..." saad ko. Isang ngiti ang umukit sa labi niya nang bangitin ko ang pangalan niya. Tama siya nga si Karmen. Bakit ngayon ko lang naalala ang lahat? Bumuhos ang luha katulad din ng pagbuhos ng maraming ala-ala. Ang mga taong napapanaginipan ko noon ngayon ay may pangalan na sakin.

"Patawad... patawad..." Ang tagal kong nawala sa kanila. Ang tagal bago ako makabalik. "Patawad kasi ang tagal bago ako makabalik dito."

"Hindi na mahalaga ang iyon samin Violet ang mahalaga samin ay nakabalik ka." saad nito at binuksan ang pintuan, "at sila ay matagal na ring naghintay."

Hindi na ko nag-aksaya pa ng oras at tumakbo na ko papunta sa kanila. Ang mga kaibigan ko at pamilya ko.

Queen, Winter, Caleb, Headmistress Diana at ang ama ko si Haring Arkon...

Huminto ako sa harap nila habang patuloy pa rin sa pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko aakalain na makakabalik ako dito ngayon.

"Welcome home Violet..."

Sa mga oras na ito ay parang nawala ang lahat ng lakas ko, napaluhod nalang ako at umiyak. Ako nga ito si Violet na mahilig umiyak at palagi nalang lumuluha.

"Bumalik ka na rin, Violet Alfonzo..."

"Zach!" inangat ko ang tingin ko. Bahagya akong tumawa ng makita ko siyang ulit. Nakapamulsa ito at magulo pa rin ang buhok niya. Lumapit siya sakin habang may kung anong kinukuha mula sa kanyang bulsa. Dahan- dahan siyang yumuko at pinakita sakin ang kwintas ko.

"Violet Jane Alfonzo..."

Nakabalik na ko sa wakas! Andito na ko sa piling ng pamilya ko. Maraming nangyari sa buhay ko. Napunta ako sa isang magical world, nakipaglaban, nagkaroon ng kaibigan at natagpuan ko tunay kong pamilya.Nawalan ako ng mga minamahal.

Sa lahat ng sakit na naranasan ko ay nagpapasalamat ako. Dahil dito ay maslumakas ako. Ang daming katanungan na bumalot sa pagkatao ko.
Pero ngayon masasagot ko na silang lahat...

Ako ang anak ni Zarah,

Ako ang unang propesiya at ang pangalawa,

Ako ang Dragon Princess,

Ang higit sa lahat ako si Violet Alfonzo.

At maraming salamat sa pagasama sakin hanggang sa huli.

The End...

~▪~▪~▪~▪~~▪~

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now