Chapter 30

2.6K 70 5
                                    


-Violet's POV-

Sa buong araw naming paglalakad wala pa rin kaming makitang bahay ni Karmen. Hindi ko alam kung ilang araw pa ang lalakbayin namin para mahanap lang siya.

Ang nakakapagtaka lang ay si Zach. Parang may kakaiba sa kanya ngayong araw parang may malalim itong iniisip. Palagi siyang tahimik na para bang may malaki siyang problema.

Napahinto kami sa paglalakad nang may mga lalake sa harapan namin. Nasa pito sila at may dalang patalim at pana. Mukha silang mga tribo ng mandirigma.

"Anong ginagawa ninyo sa teritoryo namin?" Tanong nung isang lalake.

"Hindi kami masasamang tao grupo kami ng estudyante galing sa Charm East University. May hinahanap lang kami" Sabi ni Winter. Parang hindi naman sila kumbinsido.

"Kung papaadanin niyo kami masmagiging maayos ang lahat." Sabi ni Zach.

"Sa tingin ba ninyo maloloko niyo kami? Hindi kami magpapaloko sa mga alagad ng Dark Queen!" Sabi nung isa pang lalake.

"Hindi ba sila makaintindi? Sabi na ngang hindi tayo masamang tao naging alagad pa ng Dark Queen. Unbelievable!?" Inis na pagkasabi ni Queen.

"Ayaw namin ng gulo kaya padanin niyo kami nang maging maayos ang lahat." Kalmadong wika ni Zach. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

"Zach masmabuti kung umalis nalang tayo." Bulong ko dito pero huli na ang lahat. Wala na kaming matatakasan pinalilibutan na kaming lahat.

Napahawak nalang ako sa braso ni Zach, kaagad niyang kinuha yung kamay ko.

"Zach!" Bulong ko. Hinigpitan ni Zach ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Sugod!" Sigaw nung pinuno nila. Isa-isa nila kaming sinugod ng mga pana. Akala ko tatamaan na ako ng pana pero hindi.

"Zach!" Sigaw ko nang makita kong sa kanya tumama yung pana. Wala na kaming nagawa nang talian kami isa-isa.

"Pagbabayaran ninyo toh! Akala lang ninyo ha!" Sigaw ni Queen nang ipasok sila sa isang kulungan. Natatakot ako hindi para sa sarili kung hindi sa kanila. Baka kung anong mangyari sa kanilang tatlo.

Dinala naman kaming dalawa ni Zach sa isa ring kulungan malayo kayla Queen.

"Diyan kayo nababagay! Mga alagad ng Dark Queen!" Sabi nung lalakeng tapos sinarado na ang pinto.

Kaagad kung nilapitan si Zach at tinignan ang sugat niya,napalakas ng agas ng dugo nito.

Kaagad kong kinuha yung panyo ko at tinali sa kanang braso niya

"Hindi to mangyayari kung hindi mo sinulo yung pana." Sabi ko.

"Kung hindi ko yon ginawa ikaw ang magkakasugat." Sabi niya, parang wala lang sa kanya yung sugat niya.

Tigningnan niya lang ito na parang maliit lang ito nabagay, ganon nalang ba yon?

"Bakit palagi mo nalang nilalagay ang sarili mo sa kapahamakan? Pwede ba huwag mo muna akong alalahanin? Pwede ba huwag mo muna akong iligtas?" Galit na sigaw ko. Hindi ako galit kay Zach, galit ako sa sarili ko.

Galit ako sa sarili ko dahil palagi nalang siyang nalalagay sa kapahamakan nang dahil sa'kin.

Ganito rin ang nangyari kay Tita Vet at Hannah. Namatay sila ng dahil sa'kin.

"Hindi ko magagawa ang sinasabi mo." Tinignan ko lang si Zach nang sabibin niya 'yon.

"Bakit?" Yan lang ang tanong na gusto kong masagut niya. Bakit ba Zach?

The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now