Chapter 33

2.2K 60 9
                                    


-Violet's POV-

Minulat ko ang aking mga mata at agad bumungad sa akin ang mga mukha ng tatlo kong kaibigan.

"Kamusta ka? May masakit ba sa'yo? I will call Celia!" Natawa nalang ako sa inasta ni Queen. Halatang nag-aalala siya para sa'kin.

"Ikaw, kita mo na ngang natataranta na 'ko pinagtatawanan pa." Sinamaan nalang niya ako ng tingin bago lumabas.

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni Winter.

"Okay na ako. Wala namang masakit sa 'kin." I smiled. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at sumandal.

Nilibot ko ang tingin ko, nasa isang 'di pamilyar na kwarto ako.

Ano bang nangyari?

Napadako ang tingin ko sa pintuan nang bumukas ito. Si Celia at Queen.

Lumapit si Celia sa akin at nilagay ang kamay niya aking noo. Kumuha siya ng baso at bote na may laman, na hindi ko alam kung ano.

"Inumin mo muna 'to para gumaan 'yang pakiramdam mo." Sabi niya sabay abot sa baso.

"Mabuti nalang at nakita ka namin. Ano bang nangyari? Nadatnan ka nalang naming walang malay." Pahayag ni Caleb.

Binababa ko yung baso at tinignan ito habang inaalala ko bakit ako nahimatay.

Ano bang nangyari?

Kaagad kong naalala ko ano yung nangyari bago ako mawalan ng malay, kung bakit ako napunta sa kwarto na puro painting ang dingding.

Si Zarah at ang Green Dragon...

"Tanging naalala ko lang nagtakbuhan tayo tapos yung kwarto na maraming nakapintang larawan sa
dingding." They all looked at each other. Para silang nagtataka.

"Kwarto na may larawan? San kwarto ka ba napadpad bago hinimatay?" Tanong ni Caleb.

"Hindi niyo ba nakita yung painting doon? Si Zarah at ang Green Dragon?"

"Huh?" They are all confused. Wala ba silang nakitang larawan sa mga pader?

"Eh, wala namang painting doon, Violet. Nasa isang sirang kwarto na kulay puti ang mga dingding ka namin nakita, walang painting doon o si Zirah at ang Green Dragon man." Sabi ni Winter.

Imposible! Kitang-kita ko yung malalaking larawan doon.

"Magpahinga ka nalang, Violet." Wika ni Celia.  Tumango nalang ako bilang sagot. Lumabas muna silang lahat para raw makapagpahinga ako.

Pero hindi pa rin ako mapanatag, nakita ko yung mga larawan sa dingding. Paano naging wala?

Nakatitig lang ako sa kisame habang inaalala yung mga nangyari. I just close my eyes and let a deep sigh.

"Kailangan mong ipagpatuloy ang laban upang tuparin ang itinakda."

Iyon ang boses na narinig ko bago ako mawalan ng malay. It's all coming back to me.

Dalawang batang babae at yung dalawang dragon...

"Bakit hindi ko na maalala 'yung iba?" I said to myself. Bumangon na ako sa pagkakahiga at inaayos ang aking uniform. May kailangan akong puntahan.

Kailangan kong tanongin si Karmen tungkol sa Green Dragon. Kailangan ko ng kasagutan!

Lumabas na ako sa kwarto at naglakad sa hall. Hindi ko na nakita sina Winter kaya dumiritso nalang ako sa silid kung saan palaging naroroon si Karmen.

Nang nasa harap na ako ng pinto, nakita ko nalang nakabukas na ito ng kaunti kaya tinignan ko muna. Nakita kong May iba pang kasama si Karmen sa silid kaya naghintay muna ako sa dito sa labas.

"Wala na tayong magagawa, ang pagpipilian lang natin ay mamatay o gawin ang lahat para matawag ni Violet ang Green Dragon." Para akong binuhusan ng isang timbang tubig na may yelo. Hindi ako magalaw sa kinaroroonan ko.

Base sa boses na narinig ko si Headmaster Fernando yung nagsalita.

I want to walk away but my feet chose to stay. Gusto ng mga tenga ko pakinggan ang pag-uusap nila.

"So, gusto niyong mapahamak si Violet? Alam naman nating lahat na pagtinawag ni Violet ang Green Dragon...mamatay siya." Wika ni Headmistress Diana. Halata sa boses niya ang pag-aalala sa 'kin.

Pero ano bang magagawa ko?
Kailangan kong mamatay para mailigtas sila.

"Iyon ang kanyang kapalaran, Diana. Hindi mo 'yon mababago, 'yon ang kapalit ng kapangyarihan na taglay niya." They all stay silent for a moment.

"Iyon din ang ginawa ni Zarah, nagsakripisyo siya para maligtas tayo." Dagdag pa ni Karmen.

"Huwag mong itulad si Violet sa aking asawa at anak. Dalawang tao na ang nawala daragdagan mo pa." Mahinahon pero halata sa boses ni Haring Arkon ang galit niya.

"Hindi ko sila tinutulad kung sa una palang parehas na sila ng tadhana." Wika ni Karmen.  Naramdaman ko nalang na nagsitayuan na sila kaya nagtago nalang ako sa isang sulok.

Ayokong malaman nila na nandito ako at narinig lahat ng pinag-usapan nila.

Nagsilabasan na sila Headmistress Diana sa pintuan at nagpaalam kay Karmen. Pinagmasdan ko nalang silang makalayo.

"Alam kong nandiyan ka...Violet." Nagulat ako nang sabihin 'yon ni Karmen at pumunta sa sulok na kinaroroonan ko.

Kaagad akong lumbas sa aking pinagtaguan at humarap kay Karmen.

Tinignan niya lang ako mata sa mata, wala akong mabasang emosyon sa mukha niya.

"Alam ko narinig mo lahat ng pinag-usapan namin. Nasagot na ba ang mga tanong na bumabagabag sa'yo, Violet?" Tanong niya habang hindi niya inaalis ang tingin sa 'kin.

"Tanong ko sa'yo, Violet. Kaya mo mang mag sakripisyo? Kaya mo bang tahakin ang iyong tadhana?"
Kaya ko ba talaga? Hindi ko alam!

Hindi ko nasagot ang tanong ni Karmen kaya umiwas nalang ako ng tingin.

"Ipinakita ko na sa'yo ang nangyari noong nakaraan. Lahat ay nakita mo na, Violet." Kaagad nagsalubong ang kilay ko.

Anong sinasabi niya?

"Nakita mo na ang nakaraan gamit ang mga larawan at sa iyong panaginip."

Ibig sabihin si Karmen ang may pakanan nung mga larawan sa dingding. Malinaw na sa akin ang lahat.

"Sinugurado ko na makikita mo ang nakaraan at dahilan, Violet." Aniya.

Isa nalang ang hindi malinaw sa'kin yung dalawang batang babae at dalawang dragon.

"Kilala niyo po rin ba yung dalawang batang babae at yung dalawang dragon?" Tanong ko rito. Bahagya lang siyang ngumiti, isang ngiti na nagsasabing malalaman ko rin ang lahat.

"Malapit mo na siyang makilala, Violet." Wika niya at tumalikod sa akin. Pinagmasdan ko lang siya habang papaalis siya.

"Malapit na malapit na, mahal na prinsesa..."

********

Short update!

Vote and Comment

God bless😊










The Dragon Princess (Under Revision)Where stories live. Discover now