Special Chapter

9.2K 198 21
                                    

Callie and I had a wonderful story to share. Maraming ups and downs at dumating pa sa point na tuluyan kaming nagkahiwalay. Pero I guess totoo yung sinasabi nila na kapag kayo ang nararapat sa isa't isa, ano man ang mangyari ay magiging kayo pa rin sa huli.

Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkakatulog nang makarinig ako ng ingay. Parang may nahulog. Iminulat ko ang mga mata ko at iginala sa paligid. Wala si Callie sa tabi ko. I saw the lights coming from the open door from the nursery room na kadikit lang ng kwarto. Callie made this para daw madaling maaccess iyong kwarto ng mga bata. Sinubukan kong tumayo. Naramdaman ko ang pananakit ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko. Ang bigat. Normal lang naman daw iyon sa mga bagong panganak.

"Shhh.. baby Z, tahan na anak. Love yan ni Daddy. Sleep na baby. We don't want to wake up Mommy.", I hear him say to our baby. Unting unting tumigil sa pag-iyak ang anak ko pero naririg ko pa rin ang maliit na ungol nito na para bang nagrereklamo. While baby Z is giving his Daddy a hard time, baby L looks like he is on a deep slumber.

Napangiti ako sa nakikita ko. Callie was holding our baby hushing him to sleep. He seems not to notice me. Nakatuon ang pansin nya sa pagpapatahan ng baby. Nang makatulog si baby Z ay inilapag na nya ito sa crib ay hinalikan sa noo.

"Goodnight, babies. Daddy loves you so much.", nang umayos sya ng tayo ay doon na nya ako napansin.

"Sorry, Mommy. Did we wake you up?", lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa ulo. Naramdam ko ang init ng katawan nito at gumanti rin ako ng yakap. Umiling ako bilang sagot sa tanong nito.

"Wala ka kasi sa higaan.", sabi ko. I hear him chuckle.

"You're being clingy, Mommy. Wag mong sabihing buntis ka na naman?", he walks with me hanggang sa marating ang sarili naming kwarto.

"Kakapanganak ko lang buntis agad? Ikaw kaya magbuntis!", tumawa ito at nanatiling nakayakap sa akin.

"Mommy?", sandali kaming natahimik bago uli ito nagsalita.

"Hmm?"

"Thank you.", mahina ngunit malambing na bulong nito sa akin.

"For what?"

"For everything. For all of this. For my happiness."

"Ang drama mo, Daddy ah. Syempre, thankful din ako. Ang gwapo kaya ng babies natin dahil sa'yo."

"You always tend to crack a lousy joke when we are in a serious topic.", pagrereklamo nito. Naramdaman ko ang panggigigil nito sa pisngi ko. Tumawa ako.

"I love you, Daddy."

"I love you more, Mommy."

Tulad nang nakasanayan ko ay tumulong na rin ako sa paghahanda ng mga gagamitin at agahan ni Callie bago pumasok. Matapos ang ilang araw ay nakaya ko namang kumilos na sa bahay. Ayoko namang iasa sa mga katulong ang lahat ng gawain sa bahay. Gusto ko rin na may ginagawa.

Matapos maligo ni Callie ay kinuha na nito ang mga nakahandang damit.

Naupo ako sa gilid ng kama at tahimik na pinagmasdan ang asawa ko.

"That's rude you know."

"Is it rude to stare at my handsome husband?", tumawa si Callie at itinigil ang pag-aayos.

"Ikaw talaga. Come on, tell me what is on you mind?", itinukod nito ang mga kamay sa magkabilang gilid ko. He lean his face closer to me and plant soft kisses on my lips.

"Wala naman. I am just happy that we're here. How blessed I am to have you and our babies.", ngumiti ito ng malapad. He lean closer until I can feel his body on me.

"I love you.", I was about to answer but he cut me off by attacking my lips with a deep kiss. I wrap my arms around his neck. His kiss went into my jaw then into my neck. His hands are everywhere.

Napamulat ako at tumambad sa akin ang digital clock sa bedside table. Buong pwersa kong hinawakan ang mukha ni Callie at inilayo sa akin. Umungot ito at sumama ang tingin sa akin.

Mahina akong natawa sa itsura nya.

"What?", inis na tanong nito. Nabitin ko yata ang asawa ko.

"Sad to say pero bilisan mo nang magbihis at baka malate ka."

Umalis na ako mula sa pagkakahiga at iniwan ito sa kama. Natawa pa ako bago umalis sa kwarto dahil sa nakita ko pa itong nagpapadyak sa kama.

"I'll go now. I love you.", mukhang masama ang mood ng asawa ko nang mapaalam sa akin.

"Ingat, I love you too.", hinalikan ko ito sa pisngi pero hindi pa rin nawawala ang pagkakakunot ng noo nito. Mukha ring naligo sya uli dahil medyo basa pa ang buhok nya.

Umismid ito at nilapitan ang kambal at hinalikan ang mga ito.

"I love you, babies."

Tumayo ako at sinenyasan ang kasambahay namin na bantayan ang mga bata. Sinundan ko si Callie hanggang sa garahe.

"Daddy!", tawag ko dito. Tumigil naman ito sa paglalakad at humarap sa akin. Sinalubong ko ito ng mahigpit na yakap.

"I love you, Daddy. Tama na ang bad mood. Promise, babawi ako next time."

"Ayoko ng next time."

"Sige, mamaya. Pagkauwi mo.", nag-angat ito ng tingin at kapansin pansin ang pagkawala ng pagkakakunot ng noo nito. Natawa ako sa bilis ng reaksyon nya.

"Sabi mo yan ah."

Magkasama kami ni Callie ngayon sa mall para manuod ng sine. Iniwan muna namin ang kambal
kay Charlene. Pinanuod namin ang gustong movie ni Callie. Iyong movie na mga superheroes ang bida. Lately kasi at ito ang nakakahiligan ni Callie. He even start buying actions figures and toys na idinidisplay sa kwarto ng mga bata. Sabi naman nya ay para iyon sa mga babies namin. Ano naman ang gagawin ng mga babies namin sa action figures? Sa ngayon ay lambing lang ang kailangan nila at malambot na unan.

"Excuse me!", gumilid ako matapos marinig iyon. Tapos na kaming manuod ng sine at kumain. Nasa parking lot kami ngayon at pauwi na. Mabilis na tumakbo ang babaeng nagsalita matapos dumaan sa harapan namin. Ilang segundo pa ay sumunod ang isang tumatakbong lalaki.

"Hey, watch out!", sigaw ni Callie pero mukhang hindi iyon narinig ng lalaki. Muntikan na kasi sya nitong mabangga.

"Amara! Amara!", sigaw ng lalaki. Then I noticed na mabilis na nawala iyong babae. That's weird. Wala namang umandar na kotse sa malapit.

"Tsk! Lovers.", mahinang bulong ni Callie. Tanaw ko pa rin ang lalaki na matyagang naghahanap. Malamang iyong babaeng dumaan kanina iyong hinahanap nya.

Pinagbuksan ako ni Callie ng pintuan ng kotse pero bago pa ako pumasok ay narinig ko ang boses ng iilang lalaki.

"Grae! What's wrong?!", nilapitan ng mga ito iyong naunang lalaki na dumating sa parking lot.

Ano kayang nangyari? Bakit nya hinahabol iyong babae?

~~~~~

AN: Grae and Amara will be part of my future story. I hope you guys enjoy this special chapter that I wrote. Looking forward to see you guys in my next story.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now