Chapter 2: Who is Who?

9.9K 195 2
                                    

"Oh Venia, nandyan ka na pala.. Eto, may nagpadala na naman sa'yo ng pagkain."

Hawak ni Alice ang dalawang paper bag na syang inabot naman nya sa akin ng makalapit.

"Grabe ah, sino kaya yang secret admirer mo at lagi nalang may pagkain na pinadadala sa'yo dito sa trabaho. Ang tindi ah, in love na yata talaga sa'yo kasi lagi kang inaalala.", Panunukso sa akin ni Alice sa akin dito sa binagsagan nyang 'Secret Admirer' ko daw.

"Wala yun, kaibigan ko lang siguro yun kaya nag-aalala.", Nakangiti kong sabi. Nagkibit balikat na lamang ito at saka nagpatuloy sa ginagawa.

Hindi na muling nagtanong si Alice dahil sa inaayos nyang mga gamit. Lumapit ako sa isang mesa saka ko inilapag at binuksan ang laman ng paper bag. Naglalaman iyon ng pagkain na para sa hapunan ko. Araw araw ay ganito, lagi akong nakakatanggap o kung hindi naman ay may nag-aabot sa akin ng pagkain katulad nito. Nanggaling pa ang take out ng mga ito mula sa mga mamahaling restaurant, alam ko iyon dahil sa mga tatak na nasa paper bag. Ito yung mga tipo ng restaurant na kahit tubig lang ang orderin mo ay tiyak na aabot ito ng libo. Araw-araw iba-ibang putahe ang mga naroon at masasarap talaga, minsan pa nga ay shineshare ko rin sa mga katrabaho ko dahil sa sobrang dami o kaya inuuwi ko. Kung paano ko nalaman na para sa akin at para sa hapunan ko ay dahil sa note na mababasa dito.

"Enjoy your dinner, eat it while it's still hot. -CR".

CR? Sino pa nga ba ang may nakakatawang CR na initials na kilala ko? Si Kyle lang naman ang may initials na ganun dahil sa kabuuang pangalan nya, Cendrick Kyle Romualdez at sya rin ang nakakaalam na hindi ako nagdidinner bago pumasok sa trabaho. Minsan nga ay inumpisahan ko syang tanungin tungkol dun pero hindi nya "daw" ako maintindihan kaya sinasakyan ko nalang. Isa ito sa mga dahilan ng mga pagtanggi ko kay Kyle minsan, sobra-sobra na. Nakakahiya na yung ganito palagi dahil matagal na rin simula ng sinimulan nya ito. Hindi naman ako ganoon ka pulubi. Pero hindi ko sya maintindihan dahil parang wala syang ideya kung ano ang mga pinagsasasabi ko lalo na kapag nagpapasalamat ako kaya hinahayaan ko nalang sya basta't ginagawa ko lahat para maipakita at maiparamdam sa kanya kung gaano ako nagpapasalamat sa ginagawa nya.

Nagsimula na yung shift ko at medyo maraming customer ngayon, tag-ulan na kasi at ang lamig ng panahon kahit hindi pa kasagsagan ng BER month ay maraming naeengganyong magkape.

"Enjoy your coffee sir.", Sabi ko ng maiabot ko sa isang customer ang inorder nyang kape.

"Venia, dun sa isang table dali may customer pa ako eh baka mainip.", Bulong sa akin ni Alice ng nakanguso dun sa table ng isang customer na wala pang kumukuha yata ng order.

"Sige.", Naglakad na ako papunta dito dala yung mini notebook para kunin ang order nito.

"Goodevening sir, can I take your order?", Magalang kong bati sa customer pero hindi ito umimik.

Napatingin ako dito, hindi ko makita yung mukha nya dahil nakayuko sya at nakasuot ng itim na cap na tumatakip sa kabuuan ng mukha nito mula sa paningin ko. Nakatayo kasi ako at sya naman ay nakaupo, nakasuot sya ng black long sleeve shirt na saktong sakto sa kanya. Medyo maputi sya at sa mga tulad nya nababagay yung tipong all black na outfit. Nakarinig ako ng pagsara ng libro, kakakilatis ko yata sa kanya ay hindi ko napansin na nagbabasa pala sya ng libro.

"Mocha cookie crumble frappucino.",

Malalim ang boses nya at seryoso. Nakakagulat ang inorder nya kasi para sa isang lalaking tipo nya ay hindi ganito yung order na inaakala ko. Ito ang usual na inorder ng karamihan sa mga babae na customer ng coffee shop na ito, mukhang wala naman syang girlfriend kaya siguro gusto lang nya. Napailing nalang ako saka sinulat na yung inorder nya.

"Name sir?"

Natahimik uli kaya ibinaling kong muli ang tingin ko sa kanya para hintayin ang hinihingin kong pangalan.

"Callie.", Isinulat ko naman ang pangalan nya sa tabi ng inorder nyang kape.

"I'll get your order now , sir.", Lumayo na ako para ihanda ang inorder nung lalaki. Mula sa counter ay tinanaw ko itong muli at nakita kong tahimik pa rin itong nagbabasa hawak ang libro na tumatakip halos sa mukha nya. Ilang sandali pa ay dala ko na yung inorder nya, napatigil ako nung medyo malapit na ako. Kahit yung side view nya ay hindi ko maaninag dahit masyadong mababa yung cap na, yung ilong lang talaga.

"Here's your order sir.", Iniabot ko na sa kanya yung cup. Halos mapalundag ako ng maramdaman kong dumampi ang kamay nya sa akin sa pag-abot ng kape. Nakaramdam ako ng kakaiba at parang bang panadaliang tumigil ang lahat. Malamig ang mga daliri nya pero may kakaibang init. Para akong nakuryente.

"Sorry.", Rinig kong bulong nya.

"Uhhmm,, no p..problem sir. E..enjo-", Para akong nabato sa pagkakatayo ko ng makita kong tumayo ito bigla. Hinabol pilit ng mga mata ko yung mukha nya pero nabigo akong makita iyon. Masyadong mabilis ang pag-alis nya at kahit matangkad sya ay hindi ko pa rin nagawang masilip ang mukha nito. Siguro ay hindi pa ako umabot ng balikat nya sa sobrang tangkad. Nakatalikod na ito saka tuluyang lumabas ng coffee shop. Tumunog ang chimes ng pinto hudyat na nakalabas na ito.

Napahawak ako ng dibdib ko, bigla yata akong kinabahan. Huminga ako ng malalim saka ko ibinaling ang tingin sa mesa. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong naroon ang  kapeng inorder nya. Tumingin akong muli sa pintuan ng coffeeshop pero wala na ito. Napansin ko ang isang bagay na nakaipit sa ilalim ng cup, isang libo ang nakaipit. Masyadong malaki iyon para sa inorder nya. Lumapit ako sa glass wall ng shop para makita yung labas dahil baka hindi pa sya nakakalayo pero wala na talaga ito. Hindi ko na nakita.

Kinuha ko yung cup saka napatingin sa pangalang nakasulat roon.

"Cendrick.", mahina kong banggit.

Ano kayang problema nun at bigla nalang umalis?

Ibaba ko na sanang ang cup ng may maalala ako. Napatingin ako sa pangalan na isinulat ko sa cup. Cendrick? Cendrick nga! Kakaisip ko malamang sa lalaking yung ay yung first name nya ang naisulat ko. Kapag nagkataon lagot ako nito sa customer na iyon, maling pangalan ang naisulat ko. Tumingin muli ako sa pinto ngunit hindi na talaga nagbalik yung lalaki. Kukunin ko na lang ito at kung sakalaing bumalik ang lalaking iyon ay papalitan ko nalang. This time, tatandaan ko na ang pangalang ilalagay ko.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now