Chapter 14: Just So You Know

5.9K 140 3
                                    

Nasa kwarto ako ng makarinig ako ng kumalabog sa labas ng kwarto. Agad akong lumabas para tingnan iyon at wala naman akong nakitang magulo. Narinig ko iyong muli at napatingin ako sa direksyon ng pinanggagalingan ng ingay. Nakabukas ang isang kwarto, iyong kwarto kung nasaan nakatago ang mga gamit at litrato ko. Dahan dahan akong lumapit para tingnan ang nangyayari sa loob. Mula sa nakaawang na pinto ay kitang kita ko ang nagkalat na gamit sa lapag. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung gaano kagulo ang kwarto. Nakita ko si Callie na may kung anong pinupukpok sa sa gilid. Lumapit ako para tingnan ang ginagawa nya.

"Anong ginagawa mo?"

"Ah, shit!"

Napaatras ako sa sigaw ni Callie. Mukhang nagulat sya sa pagsasalita ko. Nataranta naman ako kaya't mabilis akong umupo sa tapat nya para tingnan ang napukpok nyang daliri.

"Sorry, sorry. H..hindi ko sinasadya, pasensya na."

"No, it's okay. Nagulat lang ako. Kanina ka pa?"

Nakita ko naman pinit nyang iniiwas ang daliri nya sa paningin ko. Pakiramdam ko talaga nasaktan sya dahil napangiwi pa sya kanina ng itaas nya iyon.

"Sigurado ka? Sorry, bigla bigla akong sumulpot. Narinig ko kasi yung ingay."

"I told you, I'm okay. Naingayan ka ba? Sorry. I was just trying to fix and arrange the things in this room."

Lumingon sya sa paligid at ginaya ko sya pero nailang naman ako sa ginawa ko. Bukod kasi sa puro larawan at gamit ko ang loob ng kwarto ay nakakailang isipin na masyado nyang pinaglalaanan ng panahon ang bagay na'to. Nakita kong makalat pa sa paligid kaya tumayo ako at isa isang pinulot iyon.

"Hey, hey! It's okay. Ako nang bahala dyan."

Lumapit ito sa akin at pilit na hinila ang mga gamit na kinuha ko. Umiling ako sa kanya at kinuha iyon pabalik.

"No, tutulungan na kita para matapos mo na 'to agad."

"Really? Pero mapapagod ka, ako na."

Nakita ko kung paano magliwanag ang mata at ngumiti sya pero bakas pa rin ang pag-aalinlangan nya.

"Sabi ko diba? Gagawa ako kung gusto ko."

Tumango naman sya ng dahan dahan, marahil naalala nya ang napag-usapan namin.

Isa isa ko ng pinulot ang mga nakakalat na gamit sa sahig habang sya naman ay gumagawa rin at nag-aayos. Nakakailang rin ang ginagawa namin dahil maging ang mga litratong inaayos ay pinupunasan nya ay sa akin. Naisip ko tuloy kung gaano kalala ang pagpapantasya sa akin ng lalaking ito para gawin ang lahat ng nakikita ko. Halos isang oras rin ang inabot ng pag-aayos ng mga gamit. Naging maaliwalas ang kwarto. Nawala ang mga nagkalat na gamit ay lumawak ang espasyo sa loob ng kwartong punong puno ng iba't ibang larawan ko. Maayos na na nakasalansa ang mga gamit hindi gaya ng dati na nagkalat lang sa isang mesa.

"Let's go. Tapos na."

Pinauna nya akong lumabas. May gusto akong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now