Chapter 50: You're Safe

5.9K 120 2
                                    

Muli akong nagising sa hindi pamilyar na kwarto. Kinusot ko ang mga mata ko nang maramdaman kong may sinag ng araw na tumatama sa akin. Tahimik ang buong kwarto. May naririnig akong kung ano sa malayo. Tumayo ako at natingnan ang suot kong damit. Ito pa rin iyong sinuot ko bago ako nawalan ng malay. Lumabas ako ng kwarto. Nang hawiin ko ang kurtina ay tumambad sa akin ang isang napakalaking espasyong lugar. Kitang kita ang asul na kulay ng dagat. Maputi ang mga buhangin. Nasaan ako?

Lumabas ako at inihakbang sa buhanginan ang mga paa ko. Agad kong naramdaman ang malamig at preskong hangin na tumatama sa balat ko.

"Babe?"

Natigilan ako. Kilala ko na kung sino ang tumawag sa akin ng ganun.  Hindi ko ito tiningnan at nanatiling diretso lang ang paningin ko.

"You're hungry?"

Hindi ako sumagot. Nagdirediretso ko sa paglalakad ngunit mabilis nyang nahawakan ang braso ko. Iniharap nya ko sa kanya pero hindi ako tumitingin.

"Mag-usap tayo. Hindi tayo aalis dito hanggat hindi tayo nagkakaayos."

Tumitig ako sa kanya. Natigilan sya nang marahas kong hinablot ang braso kong hawak nya. Hindi ako nagsalita habang matalim na tumitingin sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na wala nang maaayos pa dahil simula sa umpisa ay sinira na nya. Iniwan ko sya at hindi na nilingon pa. Naglakad ako sa dalampasigan malayo sa kinaroroonan ng bahay na iyon. Walang ibang tao sa paligid. Nasaan ba ako? Saan na naman nya ako dinala? Tanging ang bahay lang na iyon ang nakatayo.

Napahawak ako sa magkabilang braso ko. Malamig ang hangin. Napatingin ako sa singsing na nakasuot sa daliri ko. Hindi ako makapaniwalang pinilit nya akong pakasalan sya nang ganun na lang. Sobrang bigat sa pakiramdam ang gumawa ng desisyong hindi mo gusto pero kung kapalit noon ay katahimikan ng lahat ay gagawin mo.

Magdidilim na ng bumalik ako sa bahay na iyon. Sa ayaw at sa gusto ko ay kailangan kong bumalik dahil wala naman akong ibang mapupuntahan. Habang papalapit ay natanaw ko ang taong nakaupo malapit sa hagdan. Umayos sya ng tayo nang makita siguro akong naglalakad palapit. Nagtuloy tuloy ako papasok nang hindi sya dinadapuan ng tingin.

"I've already cooked our dinner. Come on."

Napansin ko ang malumanay nyang pagkausap sa akin. Ganitong ganito sya noon. Hindi ako nagsalita at sumunod sa kanya. May mga nakahandang pagkain sa isang mesa. Bago pa sya makalapit ay humila na ako ng upuan at naupo. Hindi ko na rin sya hinintay pa at nagsimula na akong kumain. Tahimik kaming kumain. Nauna akong matapos at bumalik na sa kwarto na pinanggalingan ko kanina. Wala akong balak makasama sya ng matagal, makausap o kung ano pa. Gusto kong maramdaman nyang galit na galit ako sa kanya at sa ginagawa nya.

Pumasok ako sa kwarto at pumasok ng banyo. Kumpleto ang gamit doon gaya ng inaasahan ko. Naligo na ako para makapaghanda sa pagtulog. Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog nang maalimpungatan ako sa paglundo ng kama. Nanatili akong nakapikit para pakiramdaman sya. Huwag mong sabihing dito sya tatabi?

"Goodnight wife, I love you."

Narinig ko ang mahinang bulong nya kasabay ng mainit na halik sa noo ko. Nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko. Bigla akong nakaramdam ng kung ano. Parang pinipiga ang puso ko. Bakit pinahihirapan nya uli ako ng ganito?

I Need A Girl (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara