Chapter 34: You Said What?

6.2K 162 8
                                    

Tumingin sya sa akin habang nakahawak ang isang kamay sa pisngi ko at ang isa naman ay nasa bewang. Sunod sunod ang kabog ng dibdib ko. Nag-aalburuto ang mga lamang loob ko sya tyan.

"H..hindi.. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero kailangan ko na 'tong sabihin. Matagal ko na 'tong iniisip hanggang sa unti unti ay naliwanagan na ako pero saka naman nangyari na bigla mo akong ibinalik kaya nawalan na ako ng pagkakataon."

"What is it, Venia? Please, tell me."

"Akala ko hindi ko na ito masasabi. Nakahinga ako ng maluwag pero sandali lang dahil natakot akong muli. Natatakot ako dahil nararamdaman ko 'to at wala ka na. Akala ko lilipas din 'to. Pero hindi ko napansin na ito lang yung nag-iisang dahilan kung bakit umaasa pa rin ako. Ito ang dahilan kung bakit nandoon ako sa labas ng building kung nasaan ka kahapon."

"Tell me, babe. Tell me what's wrong."

"Callie?"

"Damn! What, baby?"

Huminga ako ng malalim bago tuluyang nagpakawala ng mga salita sa labi ko.

"Mahal kita."

Halos pabulong lamang iyon pero sapat na para marinig nya dahil sa distansya namin. Nakita kong kumunot ang noo nya at natigilan sa narinig.

"Y..you said what?"

Naginginig ang mga labi nito at mukhang nahihirapan sa pagsasalita.

"Sabi ko, mahal kita. I love you?"

Unti unting nawala ang pagkakakunot ng noo nya.

Mabilis nyang nahapit ang bewang ko. Hanggang sa buong puso na ang ginawa nyang paghalik sa akin.

"Fuck! I love you too. Shit, baby. I love you. I love you so much."

Sabi nito sa pagitan ng mga halik. Lalong lumalim ang paghalik nya sa akin. Napapikit ako at nagpaubaya na habang unti unti kong ipinupulupot ang mga kamay ko sa leeg nya.

Mahal ko si Callie. Sa wakas at nasabi ko na!

Ramdam ko na gumaan ng sobra ang pakiramdam ko. Sa sobrang gaan ay para akong idinuduyan sa ere. Ang sarap sa pakiramdamn ngayon na nasabi ko na.

"I love you too."

Bulong ko.

Humiwalay ito sa paghalik at saka ako niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko ang pag-angat ko sa ere habang buhat buhat nya ang bewang ko.

"I love you more."

Ibinaba ako nito habang tumatawa saka muli akong hinalikan.

"Let's get married."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.

"Ngayon pa lang ako umamin, married agad ang nasa isip mo?"

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now