Chapter 41: He's Cole

5.8K 136 2
                                    

Tinotoo nga ni Callie ang sinabing sa condo na nya ako titira. Kanina, pagakauwing pagkauwi ko ay gulat na gulat ako nang makita kong naghihintay sa akin sa labas ang may-ari ng apartment ko. Sinabing bayad na daw ng 'nobyo' ko ang renta para sa buwan at nililinis na nya ito dahil wala na rin ang mga gamit ko roon. May mga kumuha na daw noon para sa akin. Ibinigay ko na rin sa kanya ang susi.

Bago pa ako makapagtype ng text para kay Callie ay nakita kong may magkasunod na message sya roon.

Your things are in my condo. Sorry. Can't come early to help you fix your things coz of work. I've already call for help. See you. Love you.

 

Use the room beside mine. Love you.

Sumakay na ako ng taxi para makarating agad sa condo nya. Nang matapat sa pintuan at pinindot ko agad ang passcode nya. Nakita ko ang mga box na nagkalat sa sahig. Agad kong tiningnan at chineck iyon isa isa. Kumpleto naman ang mga papeles at iba kong gamit na naroon. Ang mga wala lang ay ang mga kumot at unan ko. Wala na ang mga bagay na nasa condo na nya, sadyang ang mga damit, sapatos at mga importante lang ang narito. Mabilis akong nagbihis ng pambahay at nagpusod ng buhok. Isa isa kong dinala ang mga box papunta sa katabing kwarto. Buhat buhat ko ang huling box nang marinig kong magbuzz ang pinto. Akala ko ba malelate sya ng uwi? Ibinaba ko ang hawak ko at naglakad papunta sa pinto upang buksan ito.

"Hi, Ate!"

Tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Charlene na kumakaway pa.

"Hello, tara. Pasok."

Nakangiti ko ring bati sa kanya. Pumasok naman ito ngunit isasara ko na ang pinto nang bigla namang may isa pa na pumasok. Nanlaki ang mga mata ko matapos kong makita kung sino iyon. May katangkaran ito kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Hindi nagkakalayo ang tangkap nila ni Callie pero mukhang mas bata ang isang to. Napansin ko agad ang malaking pagkakahawig nila ni Callie nang tumitig ito sa akin.

"Cole!"

Napabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang sigaw ni Charlene.

"Sorry, Ate. He's Cole."

Agad naman syang bumaling sa kapatid matapos sa akin at sinamaan iyon ng tingin.

"You're being stupid."

Singhal nito sa kapatid sabay hawak sa kamay ko at hila sa akin palayo.

"Why? She's staring, so I stared back."

Nakaramdam ako ng hiya. Kapatid nga sya ni Callie. Kuhang kuha nya ang aura ng kapatid kapag nakasimangot.

"See, Ate? That's why I don't like my siblings, they're assholes."

Nakasimangot na sabi ni Charlen.

"Glad you're here."

Nakangiti nitong sabi saka bumaling sa box na nakalapag sa sahig.

"OMG! Are you done, Ate?"

Napataas ako ng kilay. Paano nya nalaman?

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now