Chapter 15: Make Me Feel Better

6.6K 143 4
                                    

Hindi ko masasabing okay pero maayos naman ang mga nangyayari sa pagitan namin ni Callie. Pero nitong mga nakaraan ay may napansin akong kakaiba sa kanya. Halos ilang gabi at araw ko na syang hindi nakikita. Minsan ay nag-iiwan lang ito ng note at hinahabilinan akong kumain sa tamang oras. Makikita  ko ito sa pagitan ng araw pero sandali lang at nag-iiwan lang din ito ng mga pagkain. Sa gabi naman ay maririnig ko na lang na nagbukas ang pintuan sa taas at kakatok sya sa kwarto ko para tingnan kung tulog na ako pero hindi ako tulog, pinakikiramdaman ko lamang sya. Napansin ko rin na parang palagi itong pagod.

"Babe?", narinig ko ang mahina nitong pagtawag sa akin. Nakakailang kahit paano. Hindi pa rin ako sanay sa mga ganitong pagtawag ni Callie, baby, babe? Pero hindi ko na lamang iyon gaanong pinagtutuunan ng pansin. Nakita ko syang bumababa mula sa pintuan sa taas. Mabilis akong napatayo para salubungin sya. Para akong batang sabik na sabik. Nakasuot sya ng V-neck na shirt at itim na pants. Bagay kay Callie ang ganitong simpleng pananamit. Mas lalong kapansin pansin ang muscles nya sa braso. Napalunok ako, hindi ko dapat pinapansin ang ganitong mga bagay. Napansin ko rin ang magulo nitong buhok na para bang sinadyang guluhin.

"I brought you this. Paborito mo."

Iniabot nya sa akin ang paper bag na hawak at ngumiti. Kinuha ko iyon at mabilis na binuksan. Ewan ko ba, pakiramdam ko talaga nananaba na ako dito dahil puro kain ang ginagawa ko kahit na may mga bagay din akong pinagkakaabalahan ay hindi ko pa rin maiwasang isipin na gusto kong lumabas. Gusto kong makiusap kay Callie pero sa tuwing nararamdaman ko kung gaano sya mag-alala para sa akin ay sinasabi ng isang bahagi ng pagkatao ko na hayaan ko sya sa ginagawa nya.

"Salamat."

"I'll be inside my room. Just knock when you needed something."

Umalis na sya sa harapan ko at pumasok sa loob ng kwarto nya. Ganito sya nitong mga nakaraang araw, mukha syang pagod kaya't hindi ko na sya nagagawang kausapin pa. Minsan pa nga ay bumababa ito ng nakalong sleeves sya na nakatupi hanggang siko at slacks. Nagulat ako ng makita ko sya dahil sa ganoong suot nya. Madalas kasing sanay akong nakikita syang nakaplain shirt at pants lamang. Iniisip ko tuloy na mukhang galing sya sa trabaho. Ano naman kayang klase ng trabaho mayroon si Callie, business man kaya sya? Doctor?  O kung ano?

Maggagabi ng naisipan ko ng magluto dahil hindi pa rin lumalabas si Callie. Naghintay ako hanggang sa lumabas sya pero wala pa rin lumalabas na Callie mula sa kwarto matapos ang ilang mahabang oras. Gusto ko syang katukin dahil baka natutulog lang ito pero nahihiya ako. Anong sasabihin ko? At isa pa hindi ko pa kahit kailan nagawang kumatok sa pinto ni Callie o tawagin sya gaya ng sabi nya. Kaya naman nauna na akong kumain pero naiwan ako ng pagkain sa mesa para sa kanya.

Nag-ayos na ako para matulog pero muli akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Wala pa rin nababawas sa pagkain at hindi pa rin sya lumalabas sa kwarto. Bigla tuloy akong nag-alala. Baka kung ano ng nangyari sa kanya sa loob.

"Ano ka ba, Venia?"

Saway ko sa sarili ko. Kung anu-ano naman kasi ang pumapasok sa isip ko. Imposible naman, baka talagang natutulog lang sya.

Pumasok na ako sa kwarto at nahiga. Ilang minuto pa lang ang lumilipas pero hindi na ako mapakali. Hindi ko pa rin naririnig ang paglabas ng kwarto ni Callie.

"Bahala na."

Bumaba ako ng kama at nagsuot ng tsinelas. Pupuntahan ko si Callie, at least malalaman at mapapalagay ako kung ano ang nangyayari sa kanya sa loob.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now