Chapter 5: I Don't Feel Safe Anymore

7.8K 152 5
                                    

Dahan dahan kong ibinuka ang mga mata ko.

Nasan ako? Sa ospital?

Sinubukan kong tumayo pero agad rin akong sumuko ng maramdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko.  Napahawak ako sa sumasakit kong ulo. Napansin kong nakabenda ito. Maging ang kamay ko ay may benda rin.

Ramdam ko ang pagkirot ng mga sugat, sugat na marahil natamo ko matapos ang nangyari.

Ano bang nangyari?

Hindi iyon panaginip. Nangyari ang lahat.

Unti-unting nabasa ang pisngi ko ng maalala ang naranasan ko. Nangyari ba ang kinatatakutan ko sa oras na iyon. Ginahasa ba nila ako? Binaboy ang buong pagkatao ko? Hayop sila.

Tuluyan ng kumawala ng emosyon na nararamdaman ko.

Nagagalit ako.

Naaawa sa sarili ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatingin ako sa kinaroroonan nito habang pilit na pinipigilan ang patuloy na pagbuhos ng luha ko. Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko. Nakita ko ang isang lalaki na pumasok dala ang isang tray.

Sino sya?

Nakatalikod itong nagsara ng pinto at ng madako ang tingin nito sa kama at nakita ko ang gulat nito sa mga mata. Mabilis ito lumapit at humawak sa magkabilang pisngi ko. Nagulat ako sa kinilos nito kaya pinunasan kong muli ang mukha ko at napabitiw naman ito sa pagkakahawak.

"Hey, you're okay now. You're safe.", Isang malalim na boses ng lalaki. Mahinang bulong at nakakakalma sa pakiramdam ang sinabi nya.

Tumango ako at pinilit na iniwas ang mukha kong malapit sa kanya. Tumayo naman ito ng tuwid saka muling iniabot ang tray na hawak kanina at inilapag sa harapan ko.

"Here, I brought you your food, you must be very hungry. Kahapon ka pa tulog."

Malumanay pero seryoso. Hindi ko alam kung dapat ko syang pagkatiwalaan. Matapos ang nagyari, hindi ko na alam. Lalaki sya at natatakot ako sa kanya. Pero tinulungan nya ako, dapat akong magpasalamat.

"A..Ang tagal kong nakatulog, nakakahiya, salamat."

Nanginginig ang boses ko at hindi ko magawang tumingin dito.

"Hey, calm down, you're safe now okay. I won't let that happen again, I'm here."

Siguro ay napansin nito ang panginginig ko kaya pilit nya akong pinakakalma.

Nanlaki ang mga mata ko ng muli kong maramdaman ang mainit na palad nito sa pisngi. Agad akong napaiwas.

Kung ligtas na ako, bakit ako kinakabahan ng ganito. Hindi maganda ang nararamdaman ko. Sinasabi ng utak ko na kailangan ko ng umalis.

"S.salamat sa pagtulong sa akin, nakakahiya na kaya aalis na ako."

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now