Chapter 43: Stay With Him

5.7K 135 2
                                    

Kinagabihan ay nagpumilit si Callie na umuwi kahit na mahigpit na pinagbilin sa kanya ng mga docto nya na kailangan nyang manatili sa ospital. Sa huli ay ang gusto pa rin ni Callie ang nasunod. Kahit ako ay pinilit sya na sa ospital na manatili pero hindi sya pumayag.

"At least stay at our house, Kuya. We couldn’t risk letting you two stay at your condo. Hindi ka nila napatay kanina, baka mamaya."

Napatingin kami ni Callie kay Cole. He's straight forward at alam ko naman na nag-aalala ito para sa kaligtasan ng kapatid.

"He's right. We have enough securities for our family's safety. Please, Kuya."

Seryoso si Callie na nakatingin sa mga kapatid. Maya pa ay bumaling ito sa akin ng may nagtatanong na mga mata.

"You're coming with me."

Tumango ako. Alam ko iyon. Kahit saan pa kami magpunta ay sasama ako sa kanya.

Mahigpit ang pag-aalis kay Callie sa ospital. Lahat ng mga nagbabantay sa paligid ay alertong alerto sa bawat galaw ng mga tao.

Sakay kami ni Callie sa isang itim na van at sina Cole at Charlene naman ay parehong nasa ibang van kasunod ng sa amin. Buong byahe ay hindi ko nagawang bumitaw sa pagkakahawak kay Callie. Namumutla pa ito at ramdam kong masakit pa rin ang sugat nya. Hindi ko lang talaga alam ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw nyang manatili kami sa ospital. Pumarada ang mga sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Bumukas ang pinto ng kotse at umalalay sina Charlene at Cole na naghihintay sa paglabas namin para maisakay si Callie sa wheelchair.

"Callie, hijo."

Sumalubong sa pagpasok namin ang isang may edad na babae. Humalik sa pisngi nito sina Charlene at Cole. Doon ako nakasigurado na ito ang Mama nila. Maganda sya kahit may katandaan na. Nabawasan ang kaba ko na makita sya nang marealized ko kung gaano kaamo at kabait ang mukha nya. Lumapit sya kay Callie na hindi sya tinitingnan.

"I'll be at my room."

Malamig na sabi ni Callie. Tumingin ang matandang babae sa akin at ngumiti. Nginitian ko naman ito pabalik. Tumayo si Callie nang paakyat kami ng hagdan. Nakaalalay lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa kwarto nito. Iniwan na rin kami nina Charlene at Cole nang makapasok kami sa kwarto nya. Di gaya ng kwarto sa condo ay mas malaki ang kwarto nya dito. Inalalayan ko sya hanggang sa maupo sya sa kama. Mahinang mahina ang katawan nya at nananamlay. Mahina nyang tinapik ang espasyo sa tabi. Sumunod ako dito at tahimik na umupo.

"Sorry."

Umiling ako dito bago ngumiti.

"Hindi ka dapat nagsosorry."

"I feel like a burden to you now."

"Wag mong isipin yan. Hindi ka kailanman magiging pabigat sa akin dahil mahal kita. Ang mahalaga ay ligtas ka."

Ngumiti sya ng malapad at sa isang iglap ay nagawang nyang idampi ang labi sa akin.

"I love you too."

Ilang sandali pa ay humikab sya at papikit pikit na ang kaninang mapupungay nyang mga mata. Marahil ay inaantok pa ito dahil sa mga side effects ng mga ininom na gamot kanina.

"I'll just sleep for a while. Will you be okay?"

Tumango ako. Tinulungan ko syang maihiga ang sarili sa kama.

"Sleep beside me later."

Bulong nito nang nakapikit. Maya maya pa ay naging mabagal na ang paghinga nito senyales na nakatulog na sya.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now