Chapter 37: Please Understand

6K 126 3
                                    

Gabi nang makaramdam ako ng sobrang pagod. Pakiramdamn ko ay ang dami daming nangyari sa araw na iyon. Nakiusap ako kina Darren at Wendy na kausapin si Kyle o kung hindi man ay pilitin sya na makinig sa akin. Nasa ganong pag-iisip ako nang pumulupot sa akin ang mga malalakas na braso ng isang lalaki.

"Don't stress yourself too much. "

Bulong nito sa akin. Dahan dahan akong humarap sa kanya habang nanatili ang mga kamay nya sa bewang ko.

"Nag-aalala ako."

"Don't. That guy will understand you if he's really your friend. Wag mo syang pilitin. Give him the time he needs. Sa ngayon ako muna ang isipin mo."

Napangiwi ako. Hindi ko alak kung seryoso ba sya o nagbibiro. Unti unti nyang inilapit sa akin ang mukha nya pero bago pa dumikit ang labi nya sa akin ay umiwas na ako. Natawa ako sa ginawa ko ngunit parang mas nagustuhan nya ang nangyari. Imbes na sa labi ay sumubsob sya sa leeg ko at kinagat kagat pa iyon.

Kanina ay nagpumilit itong sa condo nya ako matulog. Pumayag na rin ako sa huli. May pasok pa ako kinabukasan at nagpresinta naman syang ihahatid ako. Wala rin naman akogn magagawa,

"Tama. Matulog na tayo."

Saway ko dito pero patuloy lang sya sa paghalik sa leeg ko pataas sa mukha ko na para bang walang narinig. Napapikit ako. Kakaibang kiliti ang dulot noon sa akin. Hanggang sa naglapat ang mga labi namin at tuluyan na nya akong nilasing sa pagkakahalik. Sumagot ako ng halik pabalik. Naramdaman kong lumalalim na iyon. Hindi ito ang unang beses na naghalikan kami ng ganoon pero sa tuwing nasa ganito kaming sitwasyon ay kinakabahan ako. Naroon ang sarap at takot. Talaga bang ganito, kaakibat ng nararamdaman kong 'to ang sobrang takot at kaba.

Naramdaman ko ang unti unti nyang pagtulak sa akin dahilan para gumalaw ang mga binti ko patungo sa isang direksyon. Nanatili akong nakapikit. Tumigil ako ng maramdaman kong may nakaharang na kung ano sa binti ko at ang sunod na nangyari ay ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama. Napaungol ako nang maramdaman kong muling bumama ang mga halik nito sa leeg ko. Saka ako nangkaroon ng pagkakataon para idilat ang mga mata ko. Ramdam ko ang sobrang bilis na tibok ng puso ko.

Muling bumalik sa labi ko ang halik nya. Napapikit akong muli. Mahigpit na nakakapit sa damit nya ang mga kamay ko. Saka ko naramdaman ang unti unting paggalaw ng isang kamay nya sa tyan ko pataas. Dumoble ang tibok ng puso ko. Sobra sobrang kaba ang dumaloy sa akin nang maradaman ko ang pagpasok ng kamay nya sa loob ng damit ko. Napaungol ako. Sinubukan kong hawakan ang dibdib nya para maitulak sya pero nabigo ako nang maramdaman ko ang marahan nyang pagpisil sa dibdib ko. Napadilat ako. Naramdaman ko ang kamay nya sa ilalim ng bra na suot ko. Sunod ay nagpunta ito sa likod hanggang sa lumuwang na ang suot kong bra. Malakas na ipinagsisigawan ng utak ko na patigilin sya pero hindi sang-ayon dito ang katawan ko. Hinang hina ang pakiramdam ko at maging ang kamay ko na tumutulak sa dibdib nya ay unti unti na ring bumigay. Nagkaroon ako ng pagkakataon na huminga ng muli nyang ibaba sa leeg ko ang halik. Parang wala si Callie sa sarili. Rinig na rinig ko ang mahihinang pag-ungol nya. Napasinghap ako ng bumababa ang halik nya sa dibdib ko. Pero mas lalong ikinabaliw ng katawan ko nang maramdaman kong humawak sya sa pagitan ng hita ko. Doon ako tuluyan natauhan.

Gamit ang nanginginig kong kamay at pinigil ko ang mukha nya at pinilit iangat ang paningin nya sa akin.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now