Chapter 35: Tell Them or I Will

5.7K 117 1
                                    

"Do you really have to go?"

Napalingon ako kay Callie na kasalukuyang nasa kwarto at pinanunuod ako habang nag-aayos ng gamit.

"May pasok pa ako bukas? Hindi ako pwede dito."

Bihis na ako at inaaayos ko nalang ang mga gamit ko sa bag.

Kanina pa nakaalis sina Gareth at Link. May gagawin pa daw kasi sila. Kanina pa rin nakasimangot itong si Callie at lalong kumunot ang ulo nya nang magpaalam na ako para umuwi.

"You can stay. I'll drive you tomorrow. No. You can live here with me then we will look for each other. Pwede naman yun diba?"

Humarap ako sa kanya habang suot suot na ang bag ko.

"Come on. Stay."

Pakiusap nya. Umiling ako at sya namang pagbuntong hininga nya ng malalim.

"Hindi tayo pwedeng magsama. Hindi tayo live-in couple. Oo, tayo, pero may mga limitasyon at sari-sarili pa ring tayong buhay. Callie, gusto kong tapusin ang pag-aaral ko."

Paliwanag ko.

"Hindi naman kita bubuntisin agad."

Mabilis akong napalingon dito at sinamaan sya ng tingin. Hindi kaya magandang biro yun!

"Callie!"

"Geez. I know and I'm not even against that, to your studies. In fact, I'm so proud of you. But you don't have to stay there, I can give you more than enough of the things you needed and you don't have to keep on working."

"Hindi, Callie. Ayokong umasa sayo, sapat na ang tulong mo sa akin pero yung iaasa ko lahat ay mali na. Wag na nating pag-awayan to."

Paliwanag ko sa mas malumanay na boses. Sya ang naunang nag-iwas ng tingin.

"You're very stubborn, you know? Then fine-"

Naputol ang sasabihin nyang nang biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko iyong dinukot sa bulsa at sinagot.

"Kyle?"

Tumalikod ako mula kay Callie.

"Where are you?"

"Don't worry. Papauwi na rin ako."

"Okay, I'm worried. Meet me at you apartment. Bye."

"Okay, see you."

Muli akong humarap kay Callie matapos kong maibaba ang tawag. Halos mapalundag ako nang makita ko syang nakakrus ng braso sa harapan ko.

"Ano ka ba naman?"

Reklamo ko saka sya pinandilatan ng mata.

"Wow. Fuck that guy. You sounded like a woman cheating on her husband and he called you just now to check where you are where you are actually on your other man's crib."

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now