Chapter 44: We're Leaving

5.4K 122 1
                                    

Ilang araw nalang ang kailangan kong bilangin para sa nalalapit naming graduation. Magkahalo ang excitement at kaba na nararamdaman ko. Normal lang naman siguro itong maramdaman kapag alam mong bukod sa matatapos na ay sulit ang lahat ng naging paghihirap mo sa loob ng napakahabag taon.

"Party after graduation. Bawal ang absent. This is going to be fun."

Sabi ni Wendy. Naalala ko ang sinabi ni Callie noon. Pwede naman siguro akong sumama. Sa pagkakatanda ko ay pwede akong sumama sa mga kaibigan ko pero pagkatapos ay sa kanya naman ako sasama. Mas naeexcite ako kung ano man surpresa ang binabalak nya.

Sumakay ako sa kotseng nakaabang sa akin para makauwi na. Sa loob ng ilang linggo ay nakasanayan ko na ang ganito. Nakakailang pero kailangan. Sinubukan kong hindi magmukhang pabigat sa bahay nina Callie. May katulong man ay gusto ko pa ring may ginagawa. At isa pa ay hindi ako sanay na ako ang napagsisilbihan. Hindi naman kasi ako laki sa yaman. Ayokong isipin ng Mom nya na masyadong makapal ang mukha ko. Pero siguro ay ako lang ang nag-isiip ng ganoon dahil sa tuwing nakikita ako ng Mom nya na tumutulong ay pinatitigil ako dahil nga daw sa bisita ako. Pero sinabi ko rin na kumprotable akong may ginagawa at naintindihan naman nya iyon. Basta ba wag akong magpapakapagod at iwasan ang mga mabibigat na gawain.

Pagkadating sa mansyon ay agad akong nilapitan ng isa sa mga katulong.

"Nasa taas po sina Sir at Ma'am. Hinihintay na po nila kayo."

Bigla akong kinabahan. Hinihintay nila ako? Habang paakyat ay nakita kong sumalubong si Callie.

"I'll take it from here."

Sabi nya. Tumango naman ang katulong at iniwan na rin kaming dalawa. Nakangiti nyang hinigit ang kamay ko at sabay kaming naglakad.

"Someone wants to meet you."

Doon ko narealized kung sino iyong tinutukoy nya nang makita kong huminto kami sa kwarto ng Dad nya. Nang bumukas iyon ay dumoble ang kaba ko. Lalo na nang makita ko itong diretsong nakatingin sa kinatatayuan namin. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Callie sa kamay ko kaya kahit paano ay naibsan ang kaba iyon. Habang lumalapit ay nakatingin lang ito sa amin…o sa akin. Nang makalapit naman kami ay saka ako nagsalita. Naroon sa tabi nya si Tita Rio at sina Charlene at Cole.

"G..good afternoon po."

Magalang kong pagbati. Kinakabahan ako pero narinig ko pa rin ang pagngisi ni Callie sa tabi ko. Gusto ko tuloy syang sikuhin pero nakakahiya sa harapan pa ng Dad nya. Nakita ko ring napangiti sina Charlene at Cole, maging si Tita. Naconcsious tuloy ako sa suot ko, kagagaling ko lang sa labas at baka nangangamoy araw ako sa loob ng kwartong 'to.

"Don't be nervous, babe. It's just my Dad."

Lihim ko syang pinanlakihan ng mata. Kung makapagsalita sya ay parang wala lang. Siguro para sa kanya, eh hindi naman kami close nyang Dad nya. Malay ko ba kung ano ang ugali nya at kung ano ang tingin nya sa akin.

"Venia, right?"

Sa unang pagkakataon ay narinig ko ang boses ng matandang Rivera. Nakakatakot. Malalim at mabagsik. Tumango ako sa pagtatanong nya.

"I'm Calyxto. I'm their Dad….but you can call me Tito Cal."

Nakita ko ang mahinang ngiti sa akin ng Dad nila. Doon unti-unting nawala ng kaba ko hindi tulad kanina na akala mo ang kakausapin ko lalapa ng tao.

I Need A Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon