Chapter 16: Callie, The Pilot

6.5K 156 9
                                    

Matapos mag-ayos ay nagpunta na rin ako ng kusina. Naabutan ko si Callie na naglalapag ng mga pagkain sa mesa. Nang makita ako nito ay masaya nya akong binati na parang hindi naman nya ako ginising kanina.

"Good morning, babe. Consider this brunch so we have to eat a lot."

Bigla akong nawerduhan sa ikinikilos nya. Parang masayang masaya sya ngayon at wala man lang bakas na may hangover pa sya sa pagkakasakit nya kagabi. Last time I check, sobrang taas ng lagnat nya, pagkatapos? Anong nangyari sa kanya?

Katulad ng nakagawian nya ay pinaglagay nya ako ng makakain sa plato. Napatingin ako sa kanya, kakaibang kakaiba talaga ang kilos nya ngayon kumpara sa nakaraang mga araw.

"Hey? Why are you looking at me like that?"

Parang naman akong natauhan at agad na umayos ng pagkakaupo.

"W..wala. Kain na tayo."

Nagkibit balikat lang sya at kumain na rin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na sulyapan sya habang kumakain. Seryoso ba sya? Parang hindi man lang nanggaling sa sakit at isa pa, dalawang beses ko pa lang syang napapainom ng gamot. Sigurado akong may sinat  pa sya.

"Callie?"

"Hmm?"

Hindi sya nagtaas ng tingin sa akin at nagpatuloy sa pagkain. Gutom na gutom?

"Magaling ka na ba talaga?"

Saka naman sya nag-angat ng tingin sa akin.

"I mean..baka may sinat ka pa. Dapat nagpapahinga ka pa."

Inilapag nya ang hawak na kutsara at tinidor at pinagsalikop ang mga daliri nya sa taas ng mesa habang mariin na nakatingin sa akin. Bigla akong nailang sa kakaibang tingin nito ngunit bago pa ako makaiwas at unti unting gumihit ang malawak na ngiti nito sa labi.

"I'm okay, magaling na ako. Thanks to you."

"Pero baka may sinat ka pa."

"Naligo na ako kanina pagkagising ko. I just needed a cold bath and then I'm perfectly fine. Ayos na ako, no need to worry."

Kahit nagdadalawang isip at dahan dahan na rin akong tumango.

"Pero uminom ka pa rin ng gamot pagkatapos natin kumain."

Pahabol ko dito bago muling sumubo.

Narinig ko syang mahinang tumawa.

"Yes, ma'am."

Narinig ko pa itong bumulong kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano yun?"

Umiling naman ito saka ngumiti. Lahat nalang ba ng bagay ay idadaan nya sa pangitingiti? Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Tahimik kaming kumain. Naalala ko ang mga bagay na itinatanong ko sa sarili ko kahapon, siguro hindi naman masama kung sya na mismo ang tatanungin ko.

I Need A Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon