Chapter 38: Masquerade Party

5.8K 128 0
                                    

Kinabukasan, hindi ko nakita si Kyle. Darren and Wendy said he's absent. Sa mga sumunod na araw ay ganun din. Hindi ako napapakali lalo na kapag naiisip ko ang huling naging pag-uusap namin. Masyado ba akong naging masama sa kanya? Hindi ko alam. Gusto ko ulit syang makausap pero sabi nga nina Wendy ay hayaan ko lang daw muna sya dahil baka nagpapalamig lang ito ng ulo. Magiging maayos ang lahat sa tamang oras. Ayaw ko na ring ipilit sa kanya dahil baka sa huli ay parehong mawala ang isa't isa sa amin. Nasasaktan ako kapag naiisip ko masama ang loob nya sa akin at nasa panganib ang pagkakaibigan namin.

Papasok ako ng coffee shop ng may biglang lumabas naman doon para higitin ako palayo.

"Callie?! Teka, may pasok ako."

Reklamo ko dahil tuloy tuloy lang sya sa paghila sa akin. At isa pa, hinintay ba nya ako sa loob ng shop? Tumigil naman sya ng marating namin ang kotse nya at humarap sa akin.

"Pinagpaalam na kita sa boss mo. You're free to come with me."

Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa coffee shop at nakita ko pa ang iilan kong mga kasama na nakadungaw muna doon at nakatingin sa amin.

"B..bakit? Anong dahilan?"

Nakita ko ang seryoso nyang mukha kaya bigla akong kinabahan,

"I need your help."

Nag-alala ako sa tono ng pananalita nya. Mukhang ay seryosong nangyayari na hindi ko alam.

"Ano?"

Kinakabahan kong tanong.

"Just come with me."

Napalunok ako. Binuksan nya ang pinto ng passenger seat at mabilis akong pumasok.

Tahimik kami habang nagmamaneho sya. Panay naman ang lingon ko dito pero nanatiling diretso ang tingin nya sa kalsada. Hindi maalis ang kaba na nararamdaman ko. Naglalaro sa isip ko ang sagot sa kung anong nangyayari. Dagdag pa na masyado syang seryoso at mukha malalim ang iniisip.

Nakarating kami sa isang hotel. Isa iyong mamahaling hotel sa pagkakaalam ko. Anong ginagawa namin dito? Bago ako lumabas ng sasakyan ay pinasuot nya ako ng itim na salamin at cap na nakuha nya sa compartment ng sasakyan. Lumabas sya at mabilis na tumakbo sa side ng passenger seat para pagbuksan ako ng pinto. Nakitako agad ang iilang tao na napapatingin sa gawi nya. Hindi tuloy ako ako sigurado kung namumukhaan sya ng mga ito o talagang mapang-agaw lang talaga ng pansin ang mukha ni Callie. Mabilis ang kilos namin. Mahigpit ang hawak nya sa kamay ko. Nanatili akong nakayuko. Halos lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating kami ng elevator. Malaki kasi ang bawat hakbang ni Callie at nagmamadali pa sya kaya ganoon ang nangyari.

Pumasok kami doon at ipinwesto nya ako sa likuran nya. Pinindot nya ang floor namin. May dalawang babae pa na pumasok bago magsara ang elevator. Tahimik lang si Callie. Napansin kong panay ang titig ng dalawa kay Callie at maya maya naman ay sa akin. Mas lalo akong yumuko para maitago ang mukha ko. Mukha ring nagsesenyasan sila sa gilid namin. Ilang sandali lang ay huminto na iyon ay mabilis akong nahila ni Callie. Huminto kami sa harap ng isang kwarto. May kinuha si Callie sa bulsa at mabilis iyong iniswipe at bumukas ang pinto. Hawak pa rin nya ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa loob.

I Need A Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon