Chapter 48: Never

4.9K 126 3
                                    

DEDICATED TO: IamTrue-Lover

Thanks for reading.

~~~~~

"Nasaan ka ba?"

"Ang clingy ah, naggrocery lang. Wala ng laman ang cupboard ko."

"Daan ako dyan mamaya. Wag ka nang magluto. I'll bring foods."

"Okay, see you. Bye."

Nagpatuloy ako sa paghahanap ng mga bibilhin ko matapos kong maibaba ang tawag. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng mga kailangan ko tulak-tulak ang cart nang mapadaan ako sa sections ng mga sanitary napkins and pads. Mabilis ko namang kinuha ang brand na lagi kong binibili. Napansin ang isang lalaking galing sa aisle. Dumaan sya sa likuran ko habang kumukuha ako ng pads. Nagpunta na ako sa cashier nang makuha ko na ang mga kailangan ko. Nilapag ko ang mga pinamili ko sa counter. Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa kaya kinuha ko iyon at nakita ko ang text ni Darren. Nagtype ako ng irereply sa kanya. Ang tagal na nya akong kinukulit para sa isang bagay. Ilang beses ko na syang hinindian pero ang kulit kulit pa rin nya.

"Ay Ma'am, gamit nyo po yata 'to."

Iniabot sa akin ng cashier ang isang maliit na box na mayroon ribbon. Umiling ako.

"Hindi akin yan, Miss."

Sabi ko. Wala naman kasi akong dala nang pumasok ako. At isa pa, ano naman yang box na yan?

"Nakita ko po kasi 'tong nailapag nyo kanina. Hindi nyo napansin."

"Pasensya na, pero hindi kasi akin yan."

"Ay kunin nyo na po muna. Wala naman po kasi naiwan yung last customer bago kayo."

Sa huli ay pinag-iwan ako ng manager ng grocery store na iyon ng contact number just in case mayroon maghanap sa box na hawak ko. Hindi ako makapaniwala na iuuwi ko 'to.

Inilagay ko sya sa plastic kasama ng ibang pinamili ko. Pagpasok ko sa unit ko ay naalala kong pupunta nga pala si Kyle at magdadala sya ng pagkain kaya hindi na ako magluluto. Inilagay ko na isa-isa ang mga groceries sa cupboard. Nang icheck ko ang isang plastic ang nakita ko iyong box. Kahit sobrang curious ako kung ano ang laman ng box na iyon ay hindi ko naman pwedeng buksan dahil hindi iyon akin. Natigilan ako nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakita ko si Kyle ang nasa caller ID. Naglakad ako papunta sa sala habang sinasagot ang tawag nya.

"Nasaan ka na?" 

Tanong ko dito at naupo sa couch.

"I'm sorry, Venia. I think I can't make it. Hindi na ako makakapunta. Something came up."

"Huh? Bakit?"

"My car's a mess. Flat ang mga gulong at basag ang mga salamin."

Namilog ang mga mata ko sa sobrang pagkagulat.

"Ano? I..ikaw, may nangyari ba sa'yo?"

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now