Chapter 24: My Girlfriend

6.2K 142 1
                                    

Dinala ako ni Callie sa isang mamahaling kainan matapos ang nangyari sa sinehan.

"MagcCR lang ako."

Nagpaalam ako sa kanya. At sinabihan na sya na ang umorder para sa akin. Hindi naman kasi ako pamilyar sa mga nakasulat sa menu at hindi rin ako sanay na kumakain sa ganitong lugar. Tumango naman sya habang nakatingin sa menu.

Agad akong humarap sa salamin ng makapasok sa CR. Nakita kong hindi naman halata na nanggaling sa iyak ang mga mata ko. Inayos ko lang ang ilang nagulong hibla ng buhok ko at naghugas ng kamay. Pagkalabas ko ay agad akong tumingin sa table namin ni Callie. Nanlaki ang mata ko matapos kong makitang wala ito roon. Nagmadali akong lumapit at naabutan ko pa iyong waiter kanina.

"N..nasaan ang kasama ko dito?"

Nag-aalang tanong ko.

Nakita kong bumukas ang bibig nito pero agad rin naman nyang isinara at tumingin sa bandang likuran ko pabalik sa akin.

"Babe?"

Para akong nabunutan ng tinik ng marinig ko ang boses nito. Hindi na ako lumingon pa pero sigurado akong narito sya. Umalis na ang waoter at nagpaalam na sa amin. Inalalayan ako ni Callie paupo at tumabi na rin sya.

"What's wrong?"

"Pagdating ko dito, wala ka. Akala ko tuloy umalis ka, wala kaya akong pambayad."

Biro ko dito. Pero kahit biro ay alam ko sa sarili kong may bahid iyon ng hinanakit dahil sa kanina nya pa akong pinakakaba.

"Sorry, naghugas lang ako ng kamay."

Tumango ako. Di naman nagtagal at dumating na rin ang inorder nya para sa amin.

"Uuwi na ba tayo?"

Tanong ko dito ng makarating kami sa parking lot. Pinatunog nya ang sasakyan at saka ako pinagbuksan ng pinto. Inaayos ko ang seatbelt ko nang marating at maupo sya sa driver seat.

"Nope, may huli pa tayong pupuntahan."

Tumango ako saka isinandal ang ulo sa bintana ng sasakyan.

Habang nagmamaneho ay narinig kong tumunog ang cellphone nya. Narinig ko pa syang mahinang nagmura bago ikinabit ang headset sa tenga.

"This better be good. I already told you not to call me."

Napalingon ako dito matapos kong marinig ang seryoso at iritable nitong boses.

"He's what?"

"Alright, I'm coming."

Bumuntong hininga sya bago tuluyan ibinaba ang headset na suot.

"Babe?"

"Hmm?"

Halos pamulahan ako ng mukha dahil sa pagtanggap ko sa 'Babe' na tawag nito.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now