Chapter 36: The Boyfriend

6.2K 129 0
                                    

Ilang araw matapos ay naging mas lalo akong busy sa school maging sa trabaho. Halos dalawang buwan nalang ang kailangan hintayin para sa nalalapit na graduation. Nakapasa ako sa mga exams ng nakaligtaan kong mga klase at niload ko ang ibang subjects sa huling sem kaya ang ibig sabihin ay makakasabay ako.

"Meryenda na tayo. Nagugutom na ako."

Sabi ni Darren. Tapos na ang klase at nagkayayaan kami na magmeryenda sa labas. Hapon na rin naman at nakakaramdam na rin ako ng gutom. Chineck ko muna ang cellphone ko dahil baka sakaling mayroon text doon si Callie pero wala.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa tatlo ang tungkol sa relasyon namin ni Callie. Ilang araw na ang nakakaraan. Alam ni Callie na hindi ko pa nasasabi kaya kahit hindi nya ipakita ay ramdam ko ang inis nya sa akin. Wala naman kasi akong makuhang tyempo kung kailan ko sasabihin. Ang hirap. Iniisip ko palang ang paliwanagan ay hindi ko na kinakaya. Pero mali ang patagalin pa dahil mga kaibigan ko sila at siguradong magdaramdam sila sa oras na malaman nila ang totoo kapag lalong tumagal.

Panay ang bulungan ng mga istudyanteng nakakasalubong namin sa hallway pero hindi ko na iyong binigyan pa ng pansin.

"Sabay sabay na tayo magpagraduation photo ah? Grabe, mabuti nalang Venia at makakasabay ka sa amin. Malulungkot ako kapag nagkataon at hindi. Mabuti nalang matalino ka."

Sabi ni Wendy saka ikinawit ang kamay sa braso ko.

"Mabuti nalang talaga at pinagbigyan nila ako."

"Syempre naman at isa pa. Matalino ka kaya naihabol mo rin yun."

Sabat ni Darren.

Tuloy tuloy lang ang kwentuhan namin hanggang sa makalabas kami ng building.

"Ang gwapo!"

Napatingin ako sa mga istudyanteng nagtilian di kalayuan sa amin. Panay ang hagikgikan ng mga babae roon.

"Oh my God! Sino yun?"

Pigil na tili ni Wendy sa tabi ko.

"Bat dun sila nakatingin, nadito ako ah!"

Biro ni Darren hanggang sa makatikim sya ng pasimple paniniko ni Wendy sa sikmura.

Hindi ko napansin ang tinitingnan nila hanggang sa makarating kami sa parking lot.

Doon ako natigilan at napako sa kinatatayuan ko matapos kong makita ang isang pamilyar na lalaking nakashades habang matyagang naghihintay sa tapat ng isang kotse. Nakaparada ang mismong kotse nya sa sasakyan ni Kyle at ng kay Darren.

Naloko na! Anong ginagawa nya dito?

Nag-angat sya ng tingin matapos akong makita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko syang nagsimulang maglakad papunta sa direksyon namin. Tinanggal nya ang salamin at dun ko nakumpirma ang pagtitig nya sa akin. Sa isang iglap ay nakarating ito sa harapan ko at tumigil.

"I thought you might want a surprise visit."

Ngumisi sya akin habang ako naman ay nanatiling nakatitig lang sa kanya.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now