Chapter 4: Don't Be Scared Of The Dark

7.7K 181 5
                                    

Masama ang pakiramdam ko ng umalis ako galing trabaho. Masyadong maraming ginawa kanina sa iskwelahan at naging busy rin sa coffee shop kaya sobrang pagod ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko ng makauwi at makapagpahinga. Malalim na ang gabi at wala na halos tao sa daan. Dapat talaga matataxi ako pauwi kaso sayang sa pamasahe, kaya minabuti ko nalang magjeep. Ang kailangan ko nalang gawin ngayon ay maglakad papunta kanto para makasakay. Ramdam ko ang lamig ng hangin na tumatama sa balat ko. Napatingin ako sa langit at napagsin kong wala ni isang bituin akong natatanaw at isa lang ang ibig sabihin noon, kailangan ko ng makauwi.

"Naku naman!", Tuluyan ng bumagsak ang ulan kaya't nagtatakbo na ako para sumilong sa isang pinakamalapit na iskinita. Pinagpag ko ang ilang parte ng damit ko na nabasa. Hinalungkat ko ang bag ko para hanapin ang payong ko pero wala ito doon.

"Pambihira."

 Malamang naiwan ko iyon kanina sa bahay.

Wala akong magawa kundi maghintay ng ilang sandali at baka sakaling humina o tumigil ang ulan. Panay ang lingon ko sa daan dahil walang ni isang dumadaan at ang tanging nagsisilbing liwanag lang ay ang ilaw na nanggagaling sa isang poste sa gilid. nasa kabilang kanto pa ang sakayan at hindi naman ako makaalis. Kapag may taxi lang talagang dumaan ay sasakay na ako basta lang makauwi. Napalingon ako sa gilid ng may mapansin akong dumaan pero wala namang tao. Napahigpit ako ng kapit sa bag ko. Gusto ko ng umuwi.

Napailing ako sa werdong pakiramdam ko ngayon, hindi naman ako palaging nanunuod ng mga horror movie pero napapadalas yata ang pagkaparanoid ko ng ganito.

Patuloy pa rin ang buhos ng ulan. Kapag hindi pa rin ito tumigil ay talagang susuungin ko na ito. Hindi ko na yata kaya pang magtagal ng ganito. Ngayon pa at nag-iisa lang ako.

Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng sunod sunod na busina ng sasakyan. Mabilis ang takbo ng mga kotseng dumaan. Nakita kong huminto ang tatlong magagarang sasakyan ng di kalayuan sa sinisilungan ko. Nakita kong bumaba ang iilang lalaking nagtatawanan. Nakaramdam ako ng kaba ng makita kong napatingin ang mga ito sa pwesto ko.

Rumehistro sa utak ko ang di mapagkakatiwalaang mga mukha ng mga ito at ang kagustuhan ko ng makaalis. Hindi maganda ang kutob ko.

Nataranta ako ng makita kong naglakad na ang isa dito palapit sa kinaroroonan ko.

"Miss sexy, hatid ka na namin."

Narinig kong sigaw ng isa at saka naman nagtawanan ang mga kasama nya. Nakarinig rin ako ng nakakabstos na sipol galing sa kanila. Mabilis akong naglakad at di na inalintana pa ang ulan. Bahala na. Napasinghap ako ng may biglang humila sa braso ko.

"Oh, relax maaga pa, why don't you join us for a while."

Nanlaki ang mga mata ko saka marahas na hinila pabalik ang braso ko.

"Bastos!"

Narinig kong nagtawanan ang mga ito. Binilisan ko ang lakad ko at halos tumakbo na ng may bigla na namang humila sa akin pabalik. Nakalapit na ang mga ito sa akin. Mas lalo akong kinabahan. Nangangatal na ako sa lamig at kaba sa nangyayari. Aalis na ako.

Ayaw ko ng ganito.

"Pakipot ka pa eh, sabihin mo nalang kung magkano."

I Need A Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon