Chapter 52: Do You Still Love Me?

8.2K 165 2
                                    

Naramdaman ko ang maiinit nyang halik mula sa labi ko pababa sa leeg. Hindi ko na namalayan na tuluyan na akong napasailalim nito. Marahang nyang niyayapos ang braso at mukha ko habang nasa ibabaw ko. Ako naman ay marahang humahaplos ang mga kamay sa leeg nya.

"I love you, I miss you so much. I miss this. I miss everything about you, baby."

Bulong nito nang bahagyang mailayo ang sarili nya sa akin. Ramdam ko ang mabilis na paghinga nito sa aking labi. Maging ako ay naghahabol din ng paghinga. Unti unti akong nagmulat at dahil sa kaunting ilaw na nanggagaling sa siwang ng salaming bintana mula sa buwan ay kitang kita ko ang mga mata nitong tagos ang pagtitig sa akin.

"Oh God..I love you, wife."

Narinig ko itong dumaing bago muling sinakop ang kabuuan ng labi ko. Tinanggap ko iyon at hinalikan rin sya. Alam kong kong mali. Hindi na ito tama. Sinaktan nya ako sa mga paraang alam nya pero alam kong bukod sa akin ay nasasaktan din sya. Sa puntong 'to alam kong wala na akong kawala. Kasal na ako sa kanya kahit sapilitan. Malaki ang gusot sa pagitan namin pero nakahanda na akong makinig.

"Callie."

Marahan ko itong itinulak hanggang sa mailayo nya ng bahagya ang labi sa akin. Tinawag ko sya nang makita ko kung paano nya habulin ang labi kong inilalayo sa kanya. Gusto kong matawa sa sobrang kasabikan nya.

"Hmmm?"

Nakiliti ako habang nilalaro nya ang ilong ko gamit ang ilong nya.

"Sabihin mo sa akin kung anong nangyari….3 years ago."

Naramdaman ko syang natigilan. Huminga sya ng malalim at dahan dahan umayos ng higa sa tabi ko. Ang liwanag galing sa buwan ang nagsisilbing ilaw namin sa magiging usapan na ito. Sumandal sya sa headboard ng kama at naramdaman ko ang paghila nya sa akin. Inilagay nya ako sa dibdib nya at doon ako sumandal habang naghihintay sa anumang sasabihin nya.

"The whole plan was for us to go to Barcelona. Si Charlene, her choice is to go in Paris which she is right now but Cole was with me. Delikado ang lagay ni Dad, maging ang kaligtasan ni Mom. We need to keep Cha and Cole safe so sila ang naunang umalis. We're being threatened, the company was being threatened. May laban kami, and the Barcelona project was the only way. Dad can't make it and I'm the second to his position. At para magawa iyon ay kailangan kong magpunta sa Barcelona."

Napapikit ako nang maramdaman ko ang mahigpit na pagkakayakap nya sa akin. Yakap na para bang may kinatatakutan.

"Gustong-gusto kitang isama. Pero…hindi ko kayang ilagay ang buhay mo sa alanganin. My family is enough, ayokong masaktan ka…..it's the only way. I have no choice, even if I have hinding hindi ko isusugal ang buhay nating dalawa."

Kasabay ng pagkabasag ng boses nito ay ang mahinang pagtaas baba ng balikat nya.

"Callie.."

Humawak ako sa magkabilang pisngi nya at nakumpirma ko ang lahat nang maramdaman ko ang pagkabasa noon. Hinawakan nya ang kamay ko ang pinaghahalikan iyon.

"You'll hate me, definitely you'll want to forget me. Ayos lang….basta't alam kong ligtas ka. I love you, Venia. I really really do. The moment I left you and I saw you crying looking for me, sobrang sakit…pinapatay ako nang paunti unti. Gusto kong ipikit ang mga mata ko pero hindi ako magawang tantanan nun."

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now