Chapter 20: Let Me Hold You Like This

5.7K 113 1
                                    

Kung mayroon akong bagay na pinagsisisihan ko sa tanang buhay ko ay yung oras na hinayaan kong halikan ako ni Callie. Kung bakit ba kasi hinayaan ko ang sarili ko sa bitag nya na iyon. Callie wants me to fall for him. Iyon ang plano nya simula palang. Pero anong itong ginagawa ko? I led me to this. Dahil sa halik na nasundan ng isa pang halik at naging ganito na ako kahibang. Nakakalimutan ko na ba na sya ang dahilan kung bakit nalimitahan ang sarili ko sa ganitong klase ng lugar. Nakalimutan ko na bang si Callie ang may kasalanan ng lahat ng ito? Kahit gaano pa kabuti ang pakikitungo nya sa akin ay dapat hindi ko makalimutang malaki ang kasalanan nito sa akin. Kailangan kong ipangako sa sarili ko na iiwasan ko sya, imposible pero kung makokontrol ko ang emosyon ko ay magagawa ko.

Huwag mong hayaan ang sarili mo, Venia. Huwag mong hayaan ang sarili mo sa ganitong klase ng sitwasyon.

Kailangan ko itong pigilan, kailangan.

Mabuti na rin at mukhang mas lalong naging busy si Callie, malamang ay sa trabaho. Dumadaan ang araw na halos di na kami nagkikita.

Umaayon sa akin ang tadhana. Tama lang ang nangyayari pero nakakaramdam akong lungkot. Umiling ako. Marahil ay nabobored lang ako kaya ganito.

Hindi na ako tumatambay sa sala. Kung iiwasan ko si Callie, dapat madalang ang pagkakataon na nakikita namin ang isa't isa. Nasa kwarto lang ako at pinagkakaabalahan na basahin ang mga librong naroon.

Gabi na at wala pang Callie na bumabalik. Hanggang sa mag-umaga ay hindi pa ito bumababa. Lumapit ako sa malaking pintuan sa itaas. Sinubukan kong pihitin ang doorknob pero walang nangyari dahil nakalock ito. Nanlumo ako. Kahit paano naman ay umaasa ako na hindi ito nakalock. Napatingin ako sa buong lugar. Kung pababa ang lugar na kinalalagyan ko, marahil ay may kung ano sa likod ng pintuang ito. Hindi ako sigurado pero baka isa tong underground house.

Bumaba na ako at naupo sa couch sa sala. Bago pa ako makapag-isip ay narinig ko ng tumunog pabukas ang pinto. Bumaba si Callie. Napatingin ako dito pero agad rin akong nag-was ng tingin. Inaasahan kong babatiin ako nito pero nagdirediretso ito sa kwarto nya na parang walang nakita at narinig ko pang pabalang nyang isinara ang pinto.

Bigla akong kinabahan. Anong nangyayari sa lalaking iyon? May problema ba sya?

Napansin kong nakasuot ito ng itim na suit at naluwagang necktie. Mukha syang pagod na pagod kaya naisip ko na baka hindi nito talaga ako nakita dahil hindi naman nito ugaling hindi ako pansinin. Sa aming dalawa, sya ang unang bumabati palagi. Nagdadalawang isip man ay minabuti ko ng pumasok sa sarili kong kwarto.

Habang nagbabasa ay hindi ko naiwasang hindi isipin ang inakto nito kanina. Naisipan kong lumabas ng kwarto para kumuha ng makakain. Mula sa pintuan ng kwarto ay nakita ko si Callie na nakaupo sa couch at nakatungo. Dinala ako ng paa ko palapit dito at nakita kong may hawak syang baso ng alak. Nakatungo sya at nakatulala sa baso na hawak. Doon ko nakita ang bote ng isang mamahaling brandy. Halos lampas na sa kalahati ang nababawas dito. Hindi sya kumikilos pero kitang kita ko na dilat ang mga mata nito. Mukha syang pagod at may malaking problema na dinadala. Bago pa ako humakbang palapit dito ay bigla naman akong natigilan matapos pumasok sa isip ko ang bagay na dapat kong gawin at iwasan.

Iwasan si Callie sa kahit anong paraan.

Mali na puntahan ko sya ngayon at kausapin.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now