Chapter 27: What Happened?

5.2K 125 3
                                    

Ilang araw pa ang lumipas at hindi pa rin nagbabago ang nangyayari. Ganoon pa rin si Callie, hindi halos nakakauwi. Mabuti na lamang at nanadito si Gabby. Kahit paano ay natutuwa akong kasama ito. Masama ang loob ko, inaamin ko. Pakiramdam ko ay nawawala na iyong Callie na maalaga, mapagpasensya at masarap magluto. Ngayon, pakiramdam ko ay ang layo layo na nya sa akin.

Nasa underground house ako habang nakikipaglaro kay Gabby nang tumahol ito. Napansin kong nakatingin ito sa likuran ko at nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Callie na nakatayo. Babatiin ko na sana ito ng mapansin ko ang madilim nitong pagtitig sa akin. Hindi sya nagsasalita at walang bakas ng emosyon ang mukha nya. Hindi ko nagawang makapagsalita. Nakaitim syang coat at niluwagang necktie. Magulo ang buhok nya at pansin ko rin ang nangingitim nitong mga mata.

"C..callie?"

Sinubukan ko syang tawagin. Nag-aalala ako sa ipinapakita nya. Anong nangyayari? Bakit sya nagkakaganyan?

Ilang sandali pa ay walang pasabi itong umalis sa harapan ko at pumasok sa sariling kwarto. Napalundag pa ako matapos kong marinig ang pabalibag na pagsara nito ng pintuan.

Nanghina ako at napaupo sa couch. Bigla akong kinabahan. May nangyayari sa kanya na hindi ko alam. Hindi naman ito nagsasabi sa akin. Ang alam ko ay sa trabaho ang problema nya. Masyado bang malaki ang nagiging problema kaya masyado syang naiistress ng ganyan? May dapat ba akong gawin? Ano bang maitutulong ko?

Naramdaman ko ang pagsandal ni Gabby sa binti ko. Napahawak ako sa ulo nya ay hinimas iyon.

"Sa tingin mo? Anong gagawin ko?"

Tumingin sya sa akin pero hindi ito tumahol at sumandal nang muli. Napabuntong hininga ako.

Gabi na at wala pa ring lumalabas na Callie sa kwarto. Naalala ko ang nangyari noon pero kanina nang sinubukan kong buksan ang pintuan nito ay nakalock. Kung anong nararamdaman ko sa tuwing pinipihit ko ang door knob sa pintuan sa itaas noon ay parang nanumbalik iyon nang hindi ko nagawang buksan ang pintuan ni Callie. Para naging misteryo ang loob ng kwartong iyon para sa akin. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Parang may sinasabi ang mga ikinikilos ni Callie. Parang may mangyayari na hindi ko magugustuhan.

Sinubukan kong tawagin ito ngunit walang sumasagot. Nakakain na ako ng hapunan at lahat pero wala pa rin ito. Nag-abang ako sa kanya sa may sala. Nakatulog na si Gabby sa kahihimas ko ng balahibo nito.

Narinig kong bumukas ang pinto sa itaas at pumasok ang dalawang katulong.

"Magandang gabi po ma'am."

Bati nila sa akin. Tumango ako at akmang babatiin na sila pabalik nang makita ko ang hawak na tray ni Manang Flor. May dala rin tray ng alak si Manang Tess at yelo.

"Para kanino po iyan?"

Wala sa sariling tanong ko. Nasagot naman ito ng makita kong lumapit sila sa kwarto ni Callie.

"Pinadadala po ni Sir."

Marahan akong tumango. Kumatok sila at tumawag. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto.

I Need A Girl (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum