Chapter 42: Unknown Enemy

5.6K 124 3
                                    

Katatapos lang ng assembly ng mga graduates sa auditorium at ngayon ay papunta na kami sa canteen para magmeryenda. Nang maupo kami at narinig ko agad na tumunog ang cellphone ko. Abala sina Darren, Wendy at Kyle sa pagpili ng kakainin namin. Iniwan ko kanina itong bag sa locker at nakalimutan ko namang ibulsa sa pantalon ko ang cellphone ko. Kung si Callie man to, takang taka na siguro 'to at hindi ako nakakasagot ng tawag. Nagulat naman ako nang makitang kong si Charlene ang nasa Caller ID.

"Hello?"

"Oh, thank God, Ate!"

Agad akong kinutuban sa tono ng pananalita ni Charlene.

"Charlene? m..may problema ba?"

Iginala ko ang paningin ko at nakita ko ang mga nagtatakang mukha ng mga kaibigan ko habang nakatitig sa akin.

"Ate, Oh my God, Ate."

Mangiyakngiyak ang boses nya at parang bang hirap sa paghahanap ng mga salitang sasabihin sa akin. Kaya mas lalo akong kinabahan sa pwedeng sabihin nya.

"What's wrong?"

"Ate…si Kuya.."

Nanlaki ang mga mata ko matapos nyang banggitin ang Kuya nya.

"C..charlene?"

"…he's been shot, Ate."

Hindi ko na namalayan ang mga susunod na naging hakbang ko. Tulalang tulala ako matapos marinig iyon at panay ang takbo ko nang makarating kami sa ospital na pinagdalhan kay Callie. Panay ang tulo ng mga luha ko habang nasa sasakyan ni Kyle kanina. Walang boses na lumalabas sa akin pero tuloy lang ang tulo ng mga luha ko. Wala na akong lakas na pigilan ang mga kasama ko na sumama kaya't apat kaming nakarating sa ospital.

"Miss! Callie Rivera? Anong room?"

Nanginginig ang mga labi ko habang binabanggit ko iyon. Tumingin ang babae sa computer nya at nagtype. Matapos ay humarap sya sa amin.

"Ma'am, I'm sorry. May notice po kasi na hindi pwede magsabi ng info about Mr. Callie Rivera. His family want it to-"

"Miss, importante to. Call someone, he knows her so-"

Pinigilan ko si Kyle sa pagsinghal sa babae na mukhang nasindak sa pagtaas ng boses nito. Lumayo kami sa may reception area.

"Grabe naman yung boyfriend mo, ganun kaimportante?"

Hindi ko na pinansin si Wendy at mabilis kong kinuha ang cellphone ko para idial ang number ni Charlene.

"Ate?"

Bungad nya sa akin.

"Nandito na ako, pero hindi kami pinayagan malaman kung nasaan si Callie."

"Alright, wait for me."

Sa loob ay nakita ko ang iilang media at mga pulis na gumagala sa lugar. Hindi ako sigurado kung may kinalaman ang pagkakaospital ni Callie kung bakit sila nandito pero hindi malabong ganoon nga.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now