Chapter 10: The Stalker

6.3K 133 4
                                    

Matapos ang pagyayaring iyon ay hindi na naging normal ang pakikitungo ko sa kanya. Kahit kailan naman ay hindi naging o magiging normal ang lahat para sa aming dalawa.

Madalas ako ang umiiwas. Mabuti na lamang at nananatili syang tahimik kahit alam kong alam nya ang intensyon. Hindi na rin ako nagmatigas sa pagkain sa tamang oras. Ito ang ikinapuputok ng butchi at pinakaayaw nya.

Oo, matigas ako at pinipilit kong maging bato ang puso ko sa kanya pero sa tuwing nasasalubong ko ang mapupungay na mga mata nito na nakatitig sa akin ay para bang nauubusan ako ng salita. Nauupos ang dila ko. Iba na ang nagiging epekto nya sa akin at hindi ko iyon gusto.

Ibang iba na sya sa nakakatakot at baliw na lalaki noon. Ngayon ay parang normal syang lalaki kahit gaano ko isuksok sa kokote ko na baliw sya, na nasisiraan na sya ng bait. At kaya ako nandito dahil sa kabaliwan nya. Wala sa matinong pag-iisip ang nakakagawa ng ganitong bagay.

Hapon ng maisipan kong lumabas ng kwarto. Madalas ko syang naaabutan sa sala pero sa pagkakataong ito ay wala sya. Inikot ko ang paningin ko saka ko napansin na bukod sa kwarto ko ay may dalawa pang kwarto sa bahay na ito.

Ang isa malamang ay ang kwarto nya at ang isa naman ay hindi ako sigurado kung ano. Nabuksan ko na ito dati nung sinubukan kong tumakas pero hindi ko naman nakita ang loob dahil hindi nakabukas ang ilaw.

Pumasok ako at kinapa ang switch ng ilaw sa gilid.

Nang bumukas ang ilaw ay tumambad sa akin na nakakalulang laman ng kwartong iyon.

Hindi ko alam kung anong klase ng kwarto iyon pero isa lang ang sigurado.

Punong puno ng mga nakasabit na larawan ko. Maging ang pader ay isang malaking larawan ko.

Halos mapako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko. May kung ano na nagsasabi na dapat na akong lumabas pero mas nangibabaw ang ninanais ko na alamin ang kabuuan ng kwartong iyon. Mabibigat ang mga hakbang ko habang naglalakad palapit sa mahabang mesa na nasa gitna.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung anu-ano ang mga naroon. Mga nawawalang gamit ko. Mga damit, panali, hairclip, short, pantalon at kung anu-ano pa. Maayos itong nakagay doon.

Nakakapangilabot.

Nanginginig ang mga kamay ko habang pinapasadahan ang mga bagay na naroon. Natigil ako ng makita kong may underwear rin na naroon. Hindi ako makapaniwala.

Lahat ng bagay na nasa loob ay may kinalaman sa akin. Lahat ng bagay ay sa akin. Ako ang lahat ng litrato na naroon.

Nahagip ng mata ko ang isang bagay sa ibabaw ng study table na naroon. Kinuha ko iyon.

Isang panlalaking cap.

Sigurado ako na kilala ko ang cap na ito. Minsan ko na itong nakita pero hindi ko maalala.

Bumaling ako sa isang album na nasa ibabaw rin ng mesa. Ngunit naagaw ang atensyon ng isang maliit na papel sa ibabaw nito. Kinuha ko iyon at binasa.

Isang calling card.

Callie Gabriel Rivera

Iyan ang pangalan nakalagay.

Callie?

Kung ganun ay Callie ang pangalan ng lalaking iyon?

Callie?

Kilala ko kung sino 'to?

Naalala ko kung sino sya.

Napatingin ako sa cap pabalik sa hawak kong card.

Callie?

Napasinghap ako ng maalala ko.

Sya ang lalaking iyon sa coffee shop. Ang lalaking nag-iwan ng kape.

Kung ganun ay matagal na nya akong sinusundan? Matagal na syang nakabuntot sa akin. Matagal na syang nakasubaybay sa akin. Kilala nya ako noon pa.

Callie Gabriel Rivera

Paulit ulit ko iyon binabanggit sa isip ko.

Callie Rivera?

Hindi ako maaring magkamali. Syang ang lalaking iyon at wala ng iba.

Sya ang lalaking nagpapadala ng kung anu-ano at hindi ang mga kaibigan ko o si Cendrick.

Napahawak ako sa mesa. Nakaramdam ako ng panghihina. Hindi ko lubos maisip na nangyayari ito sa akin.

Hindi basta basta ang ginawa nyang pagdukot sa akin. Sigurado akong planado nya na lahat ng ito. At nung nagkaroon ng pagkakataon ay ginawa nya ang plano nya.

Unti unting nanumbalik ang pakiramdam ko noon. Ang pakiramdam na laging may matang nakamasid.

Muli kong inilibot ang paningin ko. Sa lahat ng larawan ay bukod tangin ang isang mapaking larawan na nakaframe sa pader dahil iyon ang nag-iisang larawan na nakatingin ako.

Iba't ibang larawan sa iba't ibang pagkakataon.

Matagal na.

Nakakabaliw pagmasdan.

Hindi iyon normal.

Napaatras ako.

Kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito.

Pero ng maihakbang ko ang isang paa ko pabalik at syang pagtama ng likod ko sa nagkalat na bagay sa mesa.

Lumikha iyon ng malakas na kalampag. Sapat na na marinig sa buong kabahayan dahil sa tahimik na lugar.

Nanginginig ang buo kong katawan. Natatakot.

Nang muli kong ibaba ang tingin para sa mga nahulog na bagay.

Hindi ako makapaniwala. Mahirap paniwalaan pero totoo.

Ginawa ang lahat ng ito ng iisang tao.

Nanigas ang buong katawan ko. Isang malamig na boses na nanggaling sa likuran.

Boses na nanggagaling sa taong hindi ko gustong makita sa pagkakataong ito.

"You're here."

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now