Chapter 25: The truth is,

6.1K 130 1
                                    

Matapos ang may kahabaang byahe ay nakarating na kami sa sinasabi ni Callie na huling destination. Hindi ko na sya hinintay na pagbuksan ako ng pinto. Nagtaka ako matapos makita ang pagiging mabato ng lugar na pinaghintuan nya ng kotse. Highway ang gilid nito ay mukhang bibihira ang dumaraan. May mga matatarik ring puno sa paligid. Hinawakan ni Callie ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya.

Namilog ang mga mata ko dahil nakikita. Mula sa kinatatayuan namin ay kitang kita ang kabuuan ng syudad. Hapon na at mukhang papalubog pa lang ang araw. Malayo na ito sa kaMaynilaan.

Naramdaman ko ang pagpulupot ni Callie sa mga braso ni sa bewang ko at ang pagsandal nya ng likuran ko sa kanya. Sya naman ay nakasandal sa harapan ng sasakyan nya.

Napahawak ako sa kamay nyang nakapulupot sa bewang at sinandal ang ulo ko sa dibdib nya. Nakahinga ako ng maluwag. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Sa unang pagkakataon ay inaamin kong masaya ako sa mahigpit nyang hawak sa akin. Iba sa pakiramdam. Naroon ang pakiramdam na nasa ligtas kang mga kamay at walang mangyayaring masama sa iyo. Ramdam ko ang pagmamahal sa yakap ni Callie.

"This is the best birthday ever."

Bulong nya. Nakiliti ako sa hanging lumabas sa bibig nito na tumatama sa kanang tenga ko.

"Nakikiliti ka huh?"

Biro nya saka kinagat ang tenga ko.

"Ano ba?"

Gumalaw ako at marahan na pinalo ang pisngi nya. Kinilabutan ako sa ginawa ko. Wala akong malinaw na relasyon kay Callie pero kung makipaglandian ako sa kanya ay wagas.

Tumawa sya sa ginawa ko.

Maya maya ay naramdaman ko ang paghawi nya sa buhok ko. Naramdaman kong naexpose ang kanang parte ng batok at balikat ko sa kanya. Sa isang iglap at naramdaman ko ang marahang pagdampi ng mga halik nya roon. Pakiramdam ko ay nagtayuan lahat ng buhok ko sa katawan dahil sa ginawa nya. Dumadaloy ang kuryente sa bawat halik nya. Nakakapangilabot sa pakiramdam.

"C..callie?"

"Okay, I'll stop."

Bulong nya. Nakailang halik pa sya roon bago tuluyan tumigil at yumakap habang nakapatong ang baba sa kanang balikat ko. Hindi na sya nangulet at nakuntento kami pareha sa panunuod ng sunset.

Gabi na ng makauwi kami. Akala ko ay pipiringan nya akong muli gaya kanina dahil pauwi na kami pero hindi nya iyon ginawa. Hindi rin naman pamilyar ang daan at isa pa ay dumidilim na. Pinarada nya ang kotse sa loob ng isang mataas na bahay. Gabi na at madilim kaya di ko maaninag ang buong paligid. Sinalubong kami ng dalawang matandang babae bago pumasok. Naalala kong sila iyong nagpaligo sa akin. Nginitian ko sila matapos bumati sa amin.

Umupo sya sa couch at tumingin sa akin. Pinagmasdan ko lang ang maaaring susunod na galaw nya pero nakangiti lang itong nakatitig sa akin.

"May problema ba?"

Tanong ko nang hindi sya magsalita.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now