Chapter 22: Mr. Rivera's Order

5.8K 118 0
                                    

Kinabukasan ay kahit na maaga akong nagising ay minabuting kong magtagal sa kama. Hindi pa rin ako makamove on sa nangyari kahapon maging sa bagay na 'iyon' na naramdaman ko sa harapan ko, kahit anong alis ko nito sa ulo ko. Hindi ako magawang tantanan.

Natapos ang araw kahapon ng hindi kami nag-uusap. Pero kahit walang pag-uusap sa aming dalawa ay hindi iyon naging dahilan para tuluyan ko ng makalimutan ang nangyari. Kung paano ako muntik muntikan nang bumigay.

Natigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto ko. Malamang si Callie na iyon. Lumabas ako ng kwarto. Nanlaki ang mga mata ko matapos kong makita ang dalawang magandang babae na nag hihintay sa labas. Napalingon ako sa paligid para hanapin si Callie pero wala ito. May mga bagay na nakaayos at nagkalat sa sala.

"Good morning, Ms. Laurencio."

"S..sino kayo?"

Ngumiti ang isang babaeng nakasuot ng hapit na yellow dress sa katawan. Bakas na bakas ang magandang kurba nito. Nakatali ang buhok nyang mahaba kaya kitang kita ang ganda ng mukha nya. Maputi sya at ang kinis ng balat. Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko papunta sa kusina. Sumunod sa amin ang isa pang babae na tulad nya ay maganda rin. Nakasleeveless naman itong blouse at pantalon. Maputi rin sya at makinis. Sya naman ay nakalugay ang mahaba at kulot na buhok. Pareho silang nakaheels kaya naman ay nanliit ako.

"You have to eat your breakfast first Ms. Laurencio."

Sabi nito.

"S..sino kayo?"

Gulong gulo ako. Sino sila at paano sila nakapasok dito? At nasaan si Callie?

Ngumiti ang babaeng nakasleeveless.

"We are ordered not to tell you anything Ms. Laurencio. Mr. Rivera strictly prohibited us to talk to you. Please ma'am, you must eat first."

Rivera? Mr. Rivera? Kung ganoon, iyon ang apelyido ni Callie.

Napansin ko ang note na nakalagay sa vase sa tabi ng mga pagkain. Mabilis kong kinuha iyon at binasa.

Good morning, babe. Those girls were going to dress you up. Behave and be a good girl. I'll wait for you outside. I love you.

-Callie

Dress up? Outside? Lalabas ako?

Bigla akong nabuhayan ng loob. Seryoso sya? Makakalabas ako?

Kahit naguguluhan at tinapos ko na ang pagkain para malaman ko na rin ang susunod na mangyayari.

Matapos ay lumabas na ako ng kusina at nakita ko pa ang dalawang babae na nag-uusap hawak ang iilang mga bagay. Nang makita nila ako ay agad din silang tumahimik at mabilis akong nilapitan.

"Now, you have to take your bath Ms. Laurencio."

Sabi ng babaeng nakasleevelees. Nagulat pa ako ng may bigla lumabas na babaeng naka maid na uniform mula sa kwarto ko. Matanda na ang babae at hindi na sya nagpaalam sa dalawang babae sa tabi at mabilis na umakyat sa hagdanan sa taas palabas dala ang isang basket.

I Need A Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon