Chapter 11: Know Me For Who I Am

6.9K 147 5
                                    

Nanatili akong nakapako sa kinatatayuan ko. Hindi gusto ng isip ko kung ano ang madaratnan ko sa oras na lingunin ko ang lalaking nasa likuran ko ngayon. Ipinagdarasal ko na sana kainin na ako ng lupa.

Na sana tumigil ang oras.

Pero ito na ang pagkakataong sumasagot sa lahat ng katanungan ko sa kanya. Nakakatakot pero wala ng makapipigil pa.

Kahit nanghihina ang mga binti ko ay pinilit kong tumayo ng maayos. Nanginginig ang mga labi ko. Maging ang sikmura ko ay bumabaliktad. Hindi nakakayang sikmurain ang sitwasyon kong 'to.

Ano mang oras ay tutulo ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko sa oras na iyon. Naiiyak ako dahil sa magulo at halo halong emosyon.

Nakakatakot ang pakiramdam. Nakakakaba. Nakakataranta. Nakakabaliw.

"Who are you?"

Wala ng mas magiging mahalaga sa mga oras na ito kung hindi ang masagot ang tanong na iyan. Iyon ang gusto kong malaman. Kailangan kong maliwanagan. Masyadong magulo. Nanginginig ang boses ko pero laking pasasalamat ko ng hindi ito mabasag sa sobrang kaba.

Huminga ang lalaki ng malalim at ilang sandali pa ay nagsalita na rin ito.

"Let's get out of here."

"No! Sagutin mo ako? Sino ka? Anong balak mo sa akin? Bakit nandito ang mga gamit ko? Anong ginagawa ng mga litarato ko dito? Sino ka!"

Kasabay ng pagsigaw kong iyon ay ang unti unting pagkabasa ng magkabilang pisngi ko. Nakita kong lumapit ito ngunit mabilis akong humakbang paatras. Ayoko ng ipagsawalang bahala ang nalalaman ko. Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito ngayon na.

"Kahit kailan ay hindi ako nakakuha ng malinaw na sagot sa iyo kung bakit ako nandito kaya ngayong tinatanong kita ay sumagot ka!"

Panay ang pabukas sara ng bibig nito para sa mga salitang hindi nya matuloy tuloy sabihin. Mariing nakatingin sa akin ang mga nasusumamo nitong mga  mata. Napapikit ako. Hindi, hindi ako magpapadala.

"Calm down, baby please calm down."

Muli itong humakabang palapit ngunit agad akong umiwas. Nakita ko ang isang cutter sa pinakamalapit na  mesa. Mabilis akong tumakbo palapit dito. Rinig ko ang mabigat na hakbang nyang nakasunod. Bago pa man ako nito mahawakan ay mabilis na akong nakaharap sa kanya habang hawak ang cutter.

"No! Don't! Venia!"

Itinaas ko ang cutter at mabilis iyong itinutok sa braso ko. Patawarin ako pero wala na akong maisip.

"Venia!"

Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa hawak kong cutter.

"Ngayon magsalita ka! Magsasalita ka o mamamatay ako?!"

Nakatingin ito sa akin pagkatapos ay sa cutter na hawak ko, pabalik balik. Para bang hindi nya alam ang gagawin.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now