Chapter 47: White Gold

4.7K 116 4
                                    

DEDICATED TO: LadyRin95

Thanks for reading. 

~~~~~

Makalipas ang isang taon ay namatay si Gabby. Kung kailan ko nalampasan ang lahat ay saka naman nya ako iniwan. Nakasama ko sya sa panahon ng pag-iisa ko. Parehas kaming iniwan ng mga taong mahal namin. Minsan inisip ko na nanatili lang sya sa tabi ko para bantayan ako at nang maramdaman nyang maayos na ang kalagayan ko ay saka nya ako kusang iniwan. He was there when I need someone to talk to. Hindi ko kasi kailangan ng taong magpapayo, kailangan ko ng isang tao na handang makinig at hindi manghuhusga. And Gabby was there for me.

"Venia? Let’s go?"

Humarap ako sa puntod ni Gabby at nagpaalam. Ipinalibing ko si Gabby ng maayos. Hindi lang sya basta basta aso. Well, I guess.. It's time for me to let go of him.

"Bye, Gabby. I'll see you soon okay?"

Para sa akin ay isa syang kaibigan. He's my guardian angel.

Humawak ako sa nakalahad na kamay ni Kyle. Iniwan man ako ni Gabby, kagaya ng sinabi ko ay hindi nya ako iniwang malungkot at nag-iisa nya. Alam nyang hindi ko na kailanman mararanasan ang pakiramdam ng mag-isa.

Ilang araw akong naghintay sa glass house na iyon. Pero sa bawat araw na nagdadaan ay unti unting nasisira ang pundasyon ng pag-asa kong makikita kong muli si Callie. Bumalik ako sa condo kasama si Gabby. Maging sa condo ay walang bakas na may taong dumating doon. Para akong baliw sa kaiisip. Sa tuwing nakakarinig ako ng busina ng sasakyan sa kung saan ay awtomatikong napapalingon ako. Umaasa na makikita ko syang lumabas sa kahit anong kotseng makikita ko. Nagpunta ako sa mansyon nila pero laking gulat ko dahil wala na rin doon sina Tita Rio.

Hanggang sa nabalitaan kong matagal na syang umalis ng bansa. Umalis sya noong araw ng graduation ko. Nakakatawang isipin na mas nauna pang malaman ng mga kaibigan ko na wala na ang taong hinihintay ko kaysa sa akin. Matagal na pala akong naghihintay sa wala.

Bumalik ako sa dati kong apartment. Hindi ko kayang tumira sa condo na sya mismo ang nagbigay. Simula nang iniwan ko iyon ay hindi na ako kailanman bumalik. Iniwan ko na ito at ang lahat. Tama na ang alaala at sakit na naramdaman ko sa mga lugar na iyon.

"What do you want, love?"

"Anything basta may coffee."

"Alright."

Nandito kami ni Kyle sa coffee shop na dati kong pinagtatrabahuan. Well, sa isang branch. Lumago na rin kasi ang business ng boss ko at nagkaroon na ng ibang branch. Ang karamihan sa namamahala sa ibang branch ay ang mga dati ko ring katrabaho.

"Here."

Inilapag ni Kyle sa mesa ang dalang tray. Bago ko pa maabot ang kape ay agad iyong kinuha ni Kyle at inilapag sa harapan ko ang milktea na dala nya.

"Milk tea for you love. Special daw yan para sa'yo."

Tinuro nya ang counter at nakita ko pang kumaway sa akin si Alice.

I Need A Girl (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz