Chapter 7: You're Hurting Me

7.3K 141 1
                                    

Tuluyan na akong nilamon ng kaba ng makita ko ang unti unting paglapit nito sa akin.

Bago pa ako makalayo ay hinila na nito ang kanang kamay ko.

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang sakit.

"Tama na! Bitiwan mo ko!", pinilit kong kunin ang kamay ko pero sadyang malakas sya. Lalong humigpit ang hawak nya, pakiramdam ko ay napipilipit na ito dahil sa laki ng kamay nito kumpara ng sa akin.

Pilit nya akong hinila pababa ng hagdan. Sinusubukan kong magpumiglas pero walang pakinabang. Halos hindi ko makita ang hakbang na ginagawa ko dahil sa higpit at bilis ng paghila nya sa akin.

Walang pakinabang ang pagpupumiglas.

"Bitiwan mo ako! Hayop ka!"

Pero parang wala syang naririnig. Panay ang pagpalo ko sa kanya pero ako lang ang nasasaktan. Tuloy tuloy ang ginawa nyang pagkaladkad sa akin hanggang sa di na kinaya ng paa ko na dahilan ng muntikan kong pagtumba. Napasigaw ako sa sobrang sakit pero wala pa rin syang pakialam kaya wala akong nagawa kundi indahin ang sakit at magpatuloy sa pagsigaw.

Bumukas ang kwarto kasabay ng malakas na pagtulak nya sa akin. Tumama ang buo kong katawan sa pader. Nakaramdam ako ng pagkahilo at sakit sa bandang ulo pero mas namayani ang takot sa buong sistema ko. Takot na takot ako sa pwedeng mangyari, ito na ba ang katapusan ko? Papatayin na ba nya ako?

Wala akong magawa kundi ang umiyak. Takot ako, masakit ang buong katawan ko at higit sa lahat ay hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatiling ganito. Gusto ko ng umalis, bumalik sa dati kong buhay, ayoko na dito. Nanginginig ako sa tuwing naiisip ko ang ideya ang mas malalang pasakit na aabutin ko sa taong ito.

Ayoko na.

"Maawa ka sa akin.", Halos di ko na marinig ang sarili kong boses. Sunod-sunod ang ginagawa kong pag-iyak na halos di ko na magawang huminga ng normal.

Sunod sunod ang malulutong na mura at sigaw na nanggaling sa kanya. Hindi ko na nagawang lingunin pa dahil sa takot. Nahihibang sya. Narinig ko ang padabog na pagsara nito ng pinto.

Wala akong nagawa kundi ang indahin ang sakit ng buong katawan pati ang takot na nararamdaman ko. Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang takot. Katapusan ko na ba? Anong balak nyang gawin sa akin?

Wala na akong lakas dahil hinang hina na ako. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hangin at tubig sa katawan sa kaiiyak.

Hindi ko na namalayan kung ilang oras na akong nakasandal sa pader sa parehong posisyon. Wala akong balak kumilos dahil sobrang sakit ng katawan ko. Tuyong tuyo na ang mukha ko at parang wala ng luhang mailabas ang mga mata ko. At higit sa lahat, nawawalan na ako ng pag-asa na makakaalis sa lugar na ito.

Muling nagulantang ang sistema ko ng bigla kong marinig ang mabilis na yabag na nanggagaling sa labas ng kwarto. Bumukas ang pinto kasabay ng pagpasok ng lalaking iyon. Napasinghap ako sa muling panunumbalik ng takot at pilit kong isiniksik ang sarili ko sa pader.

"..tama na.. Tama na…", hindi ko alam kung naririnig nya ako pero wala ng maiilalakas ang boses ko.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now