Chapter 19: Can I?

5.7K 135 2
                                    

Hindi ko alam kung paano natapos ang sandaling iyon ng buhay ko. Ni hindi ko alam kung paano ko nagawang makalayo sa kanya at makarating sa kwarto kong ito. Nagtatakbo ako papunta sa banyo. Agad akong nagbuhos ng malamig na tubig sa mukha at humarap sa salamin.

Napailing ako matapos kong makita ang labi ko. Namumula iyon at mukhang namamaga. Ganoon ba katindi ang halikan na iyon para maging ganito ang labi ko. Paano pa kaya yung labi ni Callie?

Naiinis ako sa sarili ko.

Mahiya ka nga, Venia. Baliw ka talaga. Baliw.

Nagtagal ako sa banyo sa loob ng napakahabang oras. Hindi ko na iyon namalayan dahil panay ang paghilamos ko ng tubig sa mukha ko kapag natutuyo. Baka sakaling gisingin ako nito sa katotohanan. Pero parang walang nangyayari. Sa tuwing mapapatingin ako sa labi ko ay nanunumbalik ang mga nangyari kanina. It feels like everything's happening over and over again, at kanina ko pa iyon nararamdaman.

Natigilan ako sa pag-iisip ng may kumatok sa pintuan ng banyo. Agad akong napaharap sa pinto at napahawak sa dibdib ko. Ganito na ba ako kanerbyosa?

"Babe? I've already finished your cake. Kainin na natin."

Oo nga pala. Yung pesteng cake na yun, na dahilan ng lahat.  Tapos heto pa, naririnig ko na naman sa kanya ang 'Babe' na yan.

"Venia?"

Muli itong tumawag sa akin. Sa pagkakataong ito ay mag bahid na ng pag-aalala.

"N..nandito ako. Naghilamos lang ako. Susunod na rin ako, mauna ka na."

"Alright."

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang pagsara ng pintuan. Lumabas ako ng banyo at laking gulat ko ng may biglang humigit sa akin mula sa likuran. Muling may pumulupot na braso sa balikat ko.

Hindi ko nagawang makagalaw pa. Kilala ko kung sino ang lalaking ito, ang amoy nya at ang magandang hubog na braso nya. At isa pa, sya lang naman ang lalaking nakagawian ng gawin ito sa akin. Buong akala ko pa naman ay nakalabas na ito ng kwarto.

"I'm sorry, I didn't mean to.. I mean, I swear hindi ko sinasadya. Sorry kung nabigla kita. Sa susunod hindi ko na uulitin yun. I promise.-"

Bulong nito ng may at patuloy sa paghingi ng tawad.

"A..anong hindi mo na uulitin?"

Ang halik?

"Hindi na ako magpapadalos dalos pa."

Gusto kong sapukin ang sarili ko. Bakit ko ba pinoproblema kung mauulit pa ang halik na yun o hindi na.

"I'll make it to the point na lagi kong iisipin ang nararamdaman mo kaysa sa akin. Basta huwag ka ng magalit. Promise babe, I'll behave next time."

Baka sa boses nito ang pagsusumamo. Hindi ko sya magawang tingnan pero alam kong nasa balikat ko nakapatong ang baba nya.

Dahan dahan akong tumango. Naramdaman ko naman ang pagluwag ng braso nito sa balikat ko at marahan akong inikot para humarap sa kanya. Muli ko na namang nakita ang mapupungay nitong mga mata. Humawak sya sa pisngi ko at hinaplos iyon.

I Need A Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon