Chapter 30: Never Happened

5.1K 122 2
                                    

Tatlong lingo ang nakakalipas at minabuti kong ibalik na sa normal ang lahat.

"Ano? Babalik ka sa Coffee shop?"

Singhal ni Kyle. Kahapon ay bumalik ako sa coffee shop para sa trabaho ko. Nagulat ang mga kasama at ang boss ko dahil nagbalik ako. Marami silang naging tanong sa akin pero pili lamang ang mga sinagot ko at mas minabuti ko ang pagsasabi na 'kalimutan na ang lahat'. May pumalit na sa pwesto ko pero dahil sa tagal ko na ring nagtatrabaho doon at dahil sa bait ng boss ko ay pinayagan akong bumalik sa dati kong shift.

"Kailangan Kyle. Inayos ko na rin yung enrollment ko. Huli na pero pumayag silang humabol ako dahil na rin naintindihan nila ang sitwasyon ko."

Huli na ako ng halos isang sem at nakiusap lang ako na kukuha kao ng mga special class. Alam ko na rin na hindi ko na kakayanin na makagraduate on time dahil mahuhuli ang ibang subjects ko pero ayos lang. Ang mahalaga ay makakabalik na ako.

"Venia, sigurado ka na ba?"

Alam kong nag-aala lang si Kyle at hindi ko sya masisi doon. Matalik ko syang kabigan ay gusto lang nyang pangalagaan ako. Pero nagsasawa na ako, gusto ko na ring ibalik ang dati.

"Masyado na akong nagiging pabigat. Gusto ko ng ibalik ang dating buhay ko. Ayoko ng umasa sa inyo, gusto ko na ulit mamuhay sa sarili ko."

"Wag mong isipin na nagiging pabigat ka because you were never. I care about you Venia, a lot."

"Ayos na ako Kyle. Sabi ko diba? Kakalimutan na natin ang mga nangyari."

"Yeah, like it never happened."

Umiling sya at nakita ko ang hindi aprubadong mukha nya. Lumapit ako dito at tiningnan sya.

"Ayoko na isipin Kyle. Tapos na ako sa parteng iyon ng buhay ko. Nandito na ako at nandito na kayo, pwede bang iyon na lang?"

Bumaling sya sa akin. Mas lalo syang lumapit para mayakap ako.

"If that's what you want. But someday, promise you'll talk about it. Kahit gaano katagal basta masabi mo sa akin ang totoo."

Wala na akong nagawa kundi ang tumango dito.

Isa sa malaking ipinagbago ng paligid ko ay ang pagiging hindi ko kumportable sa paligid. Wala na iyon ngayon. Wala na ang pakiramdam na may palaging nakamasid. Hindi na ako napaparanoid tulad ng sinasabi ko sa sarili ko dati.

Talagang naglaho na sya.

Nakaramdam ako ng pagkirot sa dibdib ko pero binalewala ko na iyon. Wala na akong pakialam sa mga nangyari dati. Ang mahalaga sa akin ay ang ngayon.

Nanumbalik ang lahat sa iskwela at trabaho. Naging mabilis ang takbo ng panahon. Maraming tanong akong iniwasan, maging ang mga katanungan ng mga pulis. Pinilit kong pasiglahin ang sarili ko para sa mga taong nakapaligid sa akin. Alam kong maapektuhan lamang sila ng mga ikikilos ko. Pero sa tuwing naiiwan na akong mag-isa, may bahagi sa akin na naghihintay sa maaring mangyari. Kahit anong pilit ko sa sarili ong wala na.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now