Chapter 39: My Mysterious Beautiful Beloved Girlfriend

5.4K 128 0
                                    

Sunod sunod ang pagkislap ng mga ilaw habang naglalakd kami ni Charlene papasok. Hawak nya ang isang kamay ko habang ang isa naman ay nakahawak sa laylayan ng dress ko.

"Who are you with, Ms. Rivera?"

Panay ang tanong kay Charlene habang naglalakad kami papasok pero nanatiling lang syang nakangiti sa mga ito. Pinilit kong tingnan ang paligd ko pero hindi ko kinakaya ang sunod sunod na flash ng kamera. Nakakasilaw.

"Look, Ate."

Narinig ko ang tuwang tuwang boses ni Charlene. Nang iangat ko ang tingin ko para sundan ang direksyon ng tingin nya ay nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng itim na maskara. Sunod sunod ang pagkabog ng dibdib ko. Naglalakad sya palapit sa gawi namin. Tinanggal nya ang suot na maskara na para bang kompirmasyon sa kung sino man kung sino talaga sya. Ngumiti sya sa pagtatama ng mga mata namin. Ang gwapo nya sa suot nyang itim na coat at bow tie. Nakaayos pataas ang buhok nya at kumikinang ang isang hikaw nya sa kanang tenga nang tamaan ng mga ilaw.

"You did great, Charlene."

"She's all yours now."

Bumitaw sa pagkakahawak sa akin si Charlene at tuluyan na syang nawala sa paningin ko. Nakatutok ang mga mata ko sa nakangiting si Callie sa harapan ko. Humakbang sya dahilan para mas lalong mailapit ang sarili sa akin. Naramdaman kong dumausdos ang kamay nya sa bewang ko.

"You're beautiful."

Bulong nya.

"My mysterious beautiful beloved girlfriend."

Napangiti ako. Sabay kaming naglakad papasok. Tanggal ang suot na maskara ni Callie kaya't sigurado akong marami nang mga matang nakatingin sa akin dahil hindi nila kilala kung sino ang kasama nito.

Di gaya ng daan papasok ay tahimik na nang makapasok kami. Ang naririnig ko lang ay tawanan ng iilang tao at ang music sa buong hall. Halos mapanganga ako sa nakikita ko. First time kong dumalo sa ganito at talaga namang napakaganda ng pagkakaayos sa buong lugar. Panay ang bati ng mga nakakakilala kay Callie. Hindi nagsasalita si Callie at tumatango lang. Nakikita ko silang natitigilan kapag nakikita ang kamay nitong nakapulupot sa bewang ko.

Lumapit kami sa mesa kung saan ay nakikita ko si Charlene na may kausap na lalaking nakamaskara rin. Pamilyar sya at nakumpirma ko iyon nang magsalita ito.

"You're here, hi."

Nakangiti bati nito sa akin nang maupo kami ni Callie.

"Stop it, Link."

Bago ko pa ito batiin ay narinig ko na si Callie.

"Tsk. Yeah right."

"You've me her already, Link?"

Takang tanong ni Charlene.

"Yeah…in a very awkward situation. But not really awkward you, exaggerated lang talaga si Callie."

Napatingin ako kay Callie ng marinig kong tumikhim ito. Nakasimangot ang mukha nya kay Link na tuwang tuwa.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now