Chapter 26: A Nice Company

5.8K 136 2
                                    

Hindi nagbibiro si Callie nang sabihin nitong maari na akong makalabas. Kahit ganoon at pansin ko rin ang pag-aligid ng dalawang katulong sa akin at alam kong dahil iyon sa utos ni Callie. Alam kong gusto nya lang makasigurado. Nagkaroon rin ng gwardya na bantay sa pinakagate ng glass house. Napansin ko rin ang pagiging alerto nito dahil panay ang tingin nito sa akin sa tuwing nag-didilig ako ng mga halaman at bulaklak sa bakuran. Kahit papano ay sumasama ang loob ko dahil sa ginagawa ni Callie, hindi naman ako humihiling sa kanya na dapat nya akong pagkatiwalaan dahil tinatanong ko rin sa sarili ko kung dapat ba talaga akong pagkatiwalaan.

Pinagagaan ko na lamang ang loob ko sa mga bagay na nagagawa ko na ngayon dito tulad ng pagtambay sa garden at pag-aalaga sa mga halaman. Hindi gaya ng dati na sya lang ang nakikita ko, ngayon ay may iba na akong nakakasalamuha maliban sa kanya.

"Si Callie po?"

Tanong ko kay Manang Tess. Isa sa mga katulong ni Callie. Dito na sa glass house ako nag-aalmusal simula noon.

"Hindi po sya umuwi kagabi."

Nadismaya ako sa narinig ko. Oo nga at nakalalabas na ako sa ilalim na bahay na iyon pero ganito naman ang naging kapalit. Simula ng araw na iyon ay bumalik si Callie sa pagiging busy hanggang sa napansin kong hindi lang nadadalas kung hindi ay halos wala na. Hindi ko sya naaabutan kapag gabi at hindi ko na sya nakakasabay sa umaga. Tulad ngayon, hindi na naman sya umuwi. Nag-aalala ako, nalulungkot. Kaya siguro nya ako pinayagan dahil alam nyang mangyayari ito at ikababaliw ko kung ako lang mag-isa sa araw araw.

"Tumawag po ba sya?"

Hindi ko alam kung mayroong telepono sa bahay pero malamang na may cellphone ang mga ito, sadyang maingat lang sila na ipakita iyon sa akin.

"Kanina po, para ipaalala ang kakainin nyo."

Napangiti ako ng tipid. Kahit nasa malayo ay maalaga pa rin ito.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa habang nasa garden ay nakarinig ako ng tahol ng aso. Tiningnan ko iyon at nakita kong papalapit ang isang malaking puting aso. Nanlaki ang mga mata ko matapos kong makita ang kabuuang laki nya at paglapit sa akin. Saan nanggaling ang halimaw na yan! Napaatras ako dahil sa pagtakbo nito na mukha akong dadambahin. Napatayo ako at akmang tatakbo na palayo nang may biglang tumawag dito.

"Gabby. Stay!"

Tumahol ang aso sa harap ko habang nakaupo. Tumingin ako sa nasa likod nito para tingnan ang lalaking nagpatigil sa aso.

"Hi."

Nakangiti nyang bati sa akin. Nginitian ko sya pabalik. Nakalapit na sya sa aso sa harap ko at lumuhod para himasin ang balahibo nito.

"Gabby. You know her, she's Venia."

Tumahol ang aso na akala mo ay nakikipag-usap sa akin.

"He says hi."

Mahina kaong tumawa.

"Ang haba ng tahol nya, Hi lang yun?"

Nagkibit balikat si Callie bago mahinang tumawa,

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now