Chapter 1: Something's Not Right

20.5K 234 3
                                    

 Naramdaman ko na may kung ano na tumutusok sa pisngi ko. Kasabay ng mahinang boses na nanggagaling sa kanang tenga ko.

“Venia”

Ipinilit kong iniwas ang mukha sa kung sino man ang tumatawag sa akin. Inaantok pa talaga ako. Gusto ko pang magpahinga.

“Oi Venia, gising na.”

Dahan dahan kong ibinukas yung mga mata ko ng marinig ko ang pagtawag ng isang boses sa akin. Nakita ko si Kyle. Nakangiti ito at mukhang kanina pa ako pinagmamasdan matulog. Sya rin ang tumatawag sa akin.

“Anong nginingiti mo huh?”

Ilang beses kong sinubukang ipikit ang muling buksan ang mga mata ko pero si Kyle pa rin ang nakikita ko.

“Nagugutom ka na siguro. Tara, kumain na tayo, treat kita.”

Nag-iwas sya ng tingin na para bang nagpipigil ng tawa. Samantalang ako naman ay pilit na nirerehistro sa utak ko kung ano ang nangyayari. Syet. Kanina pa kaya sya nandyan? halos magkadaugaga akong napabalikwas ng upo at narinig kong tuluyan na syang natawa sa akin. Madaling madali ako kakaayos ang buhok ko na nakakalat sa mukha ko. Parang akong tanga. Napahawak pa ako sa gilid ng labi ko dahil baka may laway na tumulo. Nakakahiya ka Venia.

“Oi, anong problema mo? Nabigla ko yata yung gising mo.”

“Huh?”

Hindi ko alam pero pakiramdam ko talaga ay wala pa ako sa sarili at di pa ako makamove on sa pagkakahuli nya sa akin ng tulog. Tumawa syang muli ng mas malakas kaya mas lalo akong nahiya.

“Ikaw tagala Venia.", Umupo sya sa tabi ko. Nang iniangat ko ang tingin ko sa kanya ay nakatingin rin ito sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Para tuloy kaming tanga. Sya naman ang nagpatuloy sa mga nakakalokong ngiti na na para bang nang-aasar.

“Wag mo ngang guluhin yung buhok ko, hindi naman ako aso.”

Mahina kong bulong habang nakayuko ng pilit nyang hawakan ang magulo kong buhok na lalo nyang ginugulo., Ayoko kasing makita nya ang pamumula ng mukha ko dahil sa nangyari at mas lalo naman ayaw kong lalong magmukhang kahiyahiya sa tabi nya. Siguro kung ikukumpara ako ngayon sa isang kamatis, hindi mo na malalaman kung sino ang tao at kung sino ang gulay.

Gulay nga ba ang kamatis? Hala, ewan.

“Sinabi ko naman sayo, you can work on my dad’s business as a part time secretary, and you’re smart enough para magtrabaho dun.”

“Correction “our” hindi “my dad”, business nyo yun at ayoko namang magtrabaho dun dahil baka isipin nila na ginagamit kita. Di ako user no?”

“Eh ano ngayon kung malakas ka sa akin and besides mas madali ang trabaho dun at hindi ka mapupuyat kagaya ngayon.” naupo naman sya sa tabi ko habang patuloy pa rin sa pagsasuggest ng pagtatrabaho ko sa daddy nya.

Tinaasan ko sya ng kilay, tong taong to, minsan di talaga nag-iisip. Kunting hiya naman siguro para sa akin diba? At isa pa, ayaw ko ng nadadagdagan ang utang na loob ko sa kanya ayos na na ako ang kumikilos para naman sa sarili ko.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now