Chapter 49: Marry Me

6.1K 132 8
                                    

 DEDICATED TO: missySakura_18mae

Thanks for reading.

~~~~~

"Kapalan mo yung concealer, kasing kapal ng eyebag ko."

Paalala ko sa make-up artist. Napahikab ako. Inaantok talaga ako pero nakapangako na ko kay Darren na gagawin ko to. Matapos maglagay ng make up ay tumungo na ako sa dressing room para makapagbihis. Humarap ako sa malaking salamin na nasa harapan ko matapos kong maisuot ang dress. Napangiti ako. Ang ganda nito at pangarap ko talaga makapagsuot nito. Pero agad akong napailing matapos pumasok sa isip ko ang isang alaala. Lumabas akong hila hila ang laylayan ng wedding gown.

"Venia, wedding dress yan hindi basahan, hawakan mong mabuti ang laylayan."

Puna ni Wendy at lumapit sa akin para tulungan ako.

"Oo na, Oo na!"

Pinaupo nya agad ako at mabilis naman akong inasikaso ng mga make-up artist at iba pang assistant na naroon para sa paglalagay ng mga accessories.  Iniwan naman nila ako matapos dahil busy rin ang lahat sa pag-aayos ng lugar.

"Venia, yung dress mo ah, baka marumihan. Malapit ng matapos si Kyle."

Sigaw ni Wendy sa akin nang mapansin akong naglakad para tingnan ang paligid.

"Oo, akong bahala."

Sigaw ko dito pabalik. Nilingon ko ang kabuuan ng lugar. Sa isang garden naisipan ni Darren ang location. Maganda ang pagkakaayos sa mga bulaklak doon. Maging ang ginamit na blue at puting tela sa lugar.

"Ang ganda naman ng bride ko."

Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang nakangiting si Kyle.

"Ang gwapo naman ng groom ko."

Sabay kaming nagtawanan. Seryoso ako sa sinabi kong gwapo si Kyle. Gwapo naman talaga sya, natural na iyon pero mas lalo syang naging makisig sa suot na itim na coat na may itim na bow tie.

"Kung sana dati pa naging totohanan ang lahat ng 'to."

Nakita ko ang pagbabago sa mukha ni Kyle. Unti unting lumungkot ang mga mata nya.

"Siraulo ka talaga, Kyle."

Agad naman itong tumawa ng malakas.

"Ikaw naman hindi mabiro."

Sadyang hindi lang siguro kami ni Kyle ang para sa isa't isa kaya hindi naging matagumpay ang sinubukan kong relasyon kasama sya. Hindi nagtagal ay tinanggap naman namin iyon. Ngayon ay masaya na kami sa buhay na mayroon ang isa't isa.

May mga taong ipinanganak para maging magkaibigan, para magkahiwalay, para magmahalan. Kung ano ang tadhana mo para sa isang tao ay hindi mo malalaman hangga't hindi mo sinusubukan. Minsan kailangan mong masaktan para malaman ang katotohanan. Masakit pero ganun talaga.

"Kyle! Venia! 5 minutes then ready na."

Sigaw ng assistant ni Darren sa amin. Tumango kami pareho ni Kyle dito.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now