Chapter 18: Good In Many Things

5.9K 132 3
                                    

Hapon at wala akong magawa kaya naisipan kong makialam sa kusina. Ano bang magandang lutuin ngayon? Wala si Callie at nagpaalam ito kanina na may urgent meeting syang pupuntahan. Hindi na ako nagtanong pa ng tungkol dito.

Kumuha ako ng mga ingredients sa gagawin ko. Naisipan kong magbake ng cake. Hindi ako magaling pero marunong ako. Sa isang coffee shop ako nagtatrabaho at mayroon din kaming tindang cakes at bread kaya nakikita ko naman kung paano iyon ginagawa.

Enjoy na enjoy ako sa paghahalo ng biglang may magsalita sa likuran.

"What are you trying to do, babe?"

Napalingon ako dito. Hindi na itong nakapang-alis at nakaplain shirt na nya.

"Kanina ka pa?"

Binalewala ko ang tanong nya kanina.

"Yup, di mo ko napansin. You're too occupied of what you are doing? Ano ba yan?"

Lumapit ito sa akin at tumigil sa tabi ko. Samantalang ako naman ay patuloy sa paghahalo sa bowl.

"Cake, gagawa ako."

"Cheese cake?"

Tanong nya habang hawak ang mga ingredients na nandoon. Napansin siguro nito ang mga cream cheese sa mesa.

"Oo, tapos mga sliced fruits sa ibabaw."

"Great, tulungan na kitang maghiwa."

Pipigilan ko sana ito pero mabilis na syang kumuha ng chopping board at nagsimula sa ginagawa. Hinayaan ko nalang sya.

"Here, try this."

Iniabot nya sa labi ko ang isang strawberry slice na ginawa nya. Binuka ko ang bibig ko para isubo iyon. Nagulat pa ako ng dilaan nya ang daliri nyang nag-abot sa akin ng strawberry at bumalik na sya sa pagsslice.

Napailing ako. Nadako ang tingin ko sa mapula labi nito. Nakakakaba pero para sa kanya ay wala lang. Ang werdo ng lalaking ito.

Tinuruan nya ako sa pagtatansya ng flavor. Akalain mo nga naman na hindi lang sa pagluluto kundi sa pagbebake ay magaling ang lalaking ito.

"Magaling ka palang magbake eh. Ano pa ba dapat kong malaman na alam mo para naman hindi ako nagugulat sa ginagawa mo? Saang bagay ka pa magaling"

Tumawa sya at umiling.

"I can do a lot of things, baby. I'm good in many thing. Some, dinidiscover ko palang."

Ngumiti ako at nagsimula ng maglinis ng mga kalat. Palapit na ako sa sink hawak ang bowl na may kaunting harina ng bigla akong makatapak ng madulas na bagay. Napatili ako at inexpect na tatama ang pwetan ko sa sahig pero agad akong nakaramdam ng mga malalakas na brasong nakahawak sa bewang ko.

"Careful."

Sabi ni Callie. Habang dahan dahan akong iniaangat. Kinuha nya ang bowl at inilapag sa tabi. Nadulas pa ako pero dahil hawak nya ay hindi ako natumba. Nakita ko ang iilang patak ng cream sa sahig. Mukhang naitapon ko yun kanina.

I Need A Girl (Completed)Where stories live. Discover now