CFTF1: 5. Guestroom

3.2K 184 41
                                    





---------------------

"What the Hell!"

---------------------

NAALIMPUNGATAN si DJ sa ingay na nanggaling sa kusina. Hindi naman talaga maingay pero dahil sa medyo mababaw na ang tulog niya sa mga puntong ito ay naririnig niya ang mahihinang boses na nanggagaling doon. Kikilos na sana siya ng makaramdam siya ng bigat na parang may nakasandal sa kanya at naka-akap pa ng konti. Idinilat niya ang kanyang mata at unti-unting tumambad ang maamo at mala-anghel na mukha nito. Matagal niyang tinitigan ito na para bang gusto niyang kabisaduhin ang hugis at bawat kurba ng mukha nito, lalong lalo na ang mamula-mula nitong mga labi.

"Ang ganda at ang amo ng mukha mo, Mackenzie. I'd like to kiss those lips of yours. Mapula at parang matamis, but I won't do it." Hinawi niya ang buhok nito na tumatakip sa isang mata nitong nakapikit, at hinalikan na lang niya sa noo ang dalaga. Nagulat pa siya sa ginawa niya. Pinakiramdaman niya kung magigising ito dahil sa ginawa niya. Nakahinga siya ng maluwag dahil tulog pa rin ito.

"Shit naman, DJ! Bakit mo ginawa yun? Ang tanga mo, off limits siya di ba? Magkakagusto ka rin lang naman sa babae sa hindi pa pwede."

Nagalit siya sa sarili dahil naalala niya na kinakapatid niya ito. Hindi dapat. At dahil sa isiping ito ay nag-init na naman ang ulo niya. Unti-unti niyang inayos ang sarili at ang dalaga para makatayo na siya. Ayaw niyang magising ito na magkatabi sila dahil siguradong magsusuplada na naman ito sa kanya.

Sa wakas nakatayo na siya. Inayos niya ang kumot na nakatakip kay Mack. Tinitigan niya ng maigi ito. Tulog-mantika. Naiiling na isip niya. Lingid sa kaalaman ni DJ napapanood pala siya ng magkapatid na kanina pa gising. Nakangiti si Elena habang nakamasid ito sa kanila. Napansin ang kakaibang tingin ng kuya niya sa dalaga. Ganon din ang naiisip ni Ramon. Bumalik sila sa kanilang kinatataguan ng umikot si DJ para pumasok sa kwarto niya para maligo. Nagpasyang lumabas ang magkapatid sa kinatataguan nila ng mapansin nilang kumilos na si Mack. Pagmulat ng mga mata nito ay sila agad ang nakita. Ngumiti ito sa kanila.

"O, Ate Mack, gising ka na pala." Pagbati ni Elena sa kanya.

"Mack, good morning. Nakatulog ka ba ng maayos diyan?" Sambit ni Ramon na nakangiti ng nakakaloko.

"Yeah, I guess. pero hindi n'yo ko ginising. I fell asleep here." Nakangiti niyang sabi sa dalawa.

"Okay lang yun, Mack. May nag-alaga naman sa iyo dito kagabi. Sinamahan ka niya ng magdamag." Taas-baba ang kilay ni Ramon habang sinasabi niya yun.

"Kuya Ramon, tigilan mo na nga si Ate Mack. Kagigising lang niyan binubwisit mo na. 'Te, maghanda ka na at mag-aalmusal na po tayo." Sambit ni Lena.

"Paano mo naman nalaman na mag-aalmusal na, ha? Kagigising mo rin lang naman, ah!" Pang-aasar ni Ramon sa kapatid.

"Ay naku, ewan ko sa iyo, Kuya! Kalalaking tao nito napaka-ochosero mo!" Singhal ni Elena sa kapatid.

Napatigil ang magkapatid sa nagbabadyang bangayan ng bumukas ang pinto ng kwarto ni DJ. Tiningnan ni Mack ang direksyon ng paningin ng magkapatid at nakita niya papalabas na si DJ, Bagong paligo ito at mukhang presko. May tubig pa na tumulo mula sa buhok nito, nakabihis naman na ito, pero bakit? I think when the gods pour all the goodness and yumminess in the world he must have been awake the whole time. Pantalon na maong at fitted white V-neck shirt ang suot ni DJ. Napatunganga na lang si Mack sa binata.

"Oh, crap! I felt like I'm in the presence of a greek god. Ruggedly handsome wet look. Crap, Mack, you need to get your hormones in control..... What! What the hell are you thinking Mack.!" She yelled at herself in her mind and turned around. The heat is rising and she felt it on her cheeks, pakiramdam niya kasing pula na siya ng kamatis. Ganun naman daw kasi yun, kapag pinag-initan ka na ng pisngi, panigurado yun mapula na ito.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now