CFTF 39: Bonding

1.8K 87 52
                                    




"Ano ang pangalan ng nanay mo?"

"Elenita Suarez."

"Elenita Suarez?"

"Why? Do you know her?"

    🏝   🏝  🏝  🏝  🏝 




(Paul)


"Do you know her?" Curious siya. Sana ibang Elenita ang sinasabi niya. At kung siya man yun, maraming siyang dapat sagutin sa mga katanungan ko.

"Maybe. I don't know. The name sounds familiar." Sabi ko sa kanya. Sabi ng puso ko sana siya na nga pero sigaw ng isip ko sana ay hindi. Dahil kung nagkataon maraming masasaktan. Unang una na ang mga anak ko at wag nating kalimutan na may asawa na rin ako ngayon, si Kirstine. Alam ni Malori ang tungkol sa kanya at sa nakaraan namin ng Elenitang kilala ko, pero hindi ng mga taong ngayon ay nakapalibot sa akin.

"Ah ganun ba? Pero bakit parang nagulat ka kanina and you sounded so curious at the mention of her name?" Eto na ba 'to? Malori, tulungan mo ako. Hindi ko kayang iharap sa mga anak natin ang kahapon kung sakaling siya nga ito.

"I have met a woman with the same name during my college days, bata pa ako noon. She's way older than me but I didn't even look at the age gap. She's maybe old enough to be my mother but she doesn't look her age. She nice and sweet and sad, very, very sad, miserable even. I met her at a bar near my university. Alam mo naman ang college life, pagkatapos ng major exams, unwind agad yan. That was after our midterm, nagkaayaan kami ng mga barkada ko to have a little drink bago kami umuwi sa mga probinsiya namin. And that's when I met her." Dapat ko pa bang ituloy ito? Hindi ba awkward? Baka kasi siya yun eh.

"Are you with DJ's mom then?" Tanong niya.

"No.  Hindi pa kami noon ni Malori, she's my bestfriend, sanggang-dikit kami nun." Bahala na. Ikukwento ko na lahat. Wala naman sigurong masama.

"What is sanggang-dikit? Magaling akong magtagalog pero hindi masyado sa deep words." Natawa naman ako doon sa sinabi niya. Sabagay, I don't blame him, kung ako man nabubulol na rin minsan. Nakakahawa kaya ang mga Amerikano.

"Sanggang-dikit means partners in crime. That was me and Malori. We are inseparable. We do things and go places together all the time. Hindi lang siya nakakasama sa inuman kasi ayaw niya ng amoy ng alak at sigarilyo." One of the the guys din kasi si Malori, may pagka-boyish siya.

"So what happen to the girl you met at a bar, you said alam ni Malori ang tungkol sa kanya." Wala akong inilihim kay Malori. She knows everything about me and she sometimes knows things na hindi ko pa alam. Siya ang nagsasabi sa akin kaya mas nakilala ko ang sarili ko.

"Naging magkaibigan si Malori at Leni. We were always together then, Malori was dating someone, too, pero hindi alam ng papa niya. Semestral break came and we agreed to go to either Taal or Batangas for the weekend, dahil gusto ko ngang makasama si Leni ng matagal. Ipinagpaalam ako ni Malori sa papa ko na kung pwede dito muna ako sa Manila magtigil, just for the sem break, kasi magpapasama siya sa akin, but the truth was, we had planned the outing. It was me and Leni then Malori and Ben. At doon ko na pinagtapat kay Leni na mahal ko siya." Talagang nakikinig siya sa akin. Walang bakas ng kung ano sa mukha o mata ni Vince. He was just listening. Para tuloy akong nakaramdam ng konting takot.

"Tapos anong nangyari?" Tanong niya.

"Talaga bang gusto mong malaman? Bakit?" Tanong ko sa kanya. Mas mabuti na yung alam ko kesa naman kwento lang ako ng kwento na hindi ko na nagagawa ng mahabang panahon. Simula ng mamatay si Malori nawala na ang confidante ko. I don't want to tell Kirstine anything dahil tapos naman na yun, that was in the past, pero kung ang Elenitang ito is one and the same, I think it's about time to tell someone. Bahala na.

Can't Fight This Feeling 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon