CFTF 44: Hurricane

1.5K 84 40
                                    


Banayad na karagatan sa di kalayuan, malunay na ihip ng hangin ang nararamdaman, naghahabulan ang hiningang sanhi ng di mapigilang init ng katawan. Sa kalaliman ng gabi na ang tanging huni ng kuliglig ang maririnig, ang musikang dulot ng bawat hampas ng alon sa dalampasigan ay sumasabay sa bawat indayog ng pinag-isang katawan ng dalawang taong nagmamahalan. Hanggang saan sila dadalhin ng musikang dulot ng kanilang pagtatalik. Sa bawat pag-indayog ng kanilang katawan ay damang-dama nila ang pag-ibig ng bawat isa.  

————————




(Chronicler)

Sa lahat ng mga pinagdadaanan ng tao sa buhay niya ay masasabi kong isa itong talinhaga. Isang misteryo na hindi kayang intindihin ng isang ordinaryong pag-iisip lamang. Lahat tayo ay may pinagdadaanan, at ang bawat isa ay kakaiba. May mga taong nagdadaan lamang sa isang napakasimpleng pagsubok sa buhay, pagkatapos nun, wala na. Meron namang mga taong hirap na sa buhay dahil sa kakapusan ng kinikita ay makakaranas ng mas malaking dagok, yun ang masakit dahil minsan hindi sila tinitigilan ng sunud-sunod na pagsubok. Meron namang napakayaman na at lahat, kayang bilhin ang kahit na ano ay makakaranas ng mas matinding pagsubok at kadalasan ay sa isang hindi magandang trahedya nagtatapos. At meron ding swerte na sa yaman, swerte pa sa buhay at swerte pa sa pag-ibig. Ang ating tanong ay, nasaan ang hustisya? Meron naman, hindi nga lang para sa atin minsan. Pero kung tutuusin, nasa kamay nating lahat ang ating kapalaran. Nasa kamay natin hindi para paikutin ang sarili nating buhay na naaayon sa ating kagustuhan kundi dapat ay sa kung ano ang naaayon sa kagustuhan ng Maykapal.

Sa buhay ni DJ at Mack. Sino ba sa kanilang dalawa ang nakapag-isip na darating ang panahon na magku-krus ang landas nila? Na darating ang panahon na magkikita sila? Na magtatagpo ang mga taong mahal nila sa buhay? Na sa dinami-dami ng tao sa mundo, ang isang flight attendant na nakilala niya ay may kaugnayan pala sa kanya? Na ang mga taong makakakasama niya sa iisang bubong ay hindi lang basta kasama kundi mga kadugo pa? Sino ba ang mag-aakala na darating ang panahon na magkakabuhol-buhol ang kanilang landas? Sino ba ang nag-isip na magiging ganito ang pagdadaanan nila? Na magiging ganito kasalimuot ang mga pangyayari? Alam ba ni Vince na magiging ganito ang buhay niya sa piling ng ina at ama? Alam ba ni Paul na yayao ang asawang si Malori, at maiiwan siya upang itaguyod ang kambal na anak? Alam din ba niya na magtatagpo ang landas nila ni Kirstine? Sabi nga sa English, what are the chances that any of this would happen? Slim to nothing? Maliit lang ang mundo pero eto ngayon silang lahat, pinagbuhol -buhol ng tadhana. Pinagtagpo-tagpo sa hindi alam na kadahilanan.

Maaaring nagtatanong kayo sa inyong mga sarili kung bakit ba pinagtatagpo ang mga tao. Bakit pinagkikita-kita tayo. May mga taong ipinanganak sa isang pamilya na hindi dapat nasa pamilyang iyon pero nandoon sila. May mga taong ipinanganak naman sa magkaibang pamilya pero parang sila ang dapat na magkasama habang buhay bilang pamilya. Parang sila pa ang tugmang maging magkapamilya. Ang tanong ay bakit? Ang sagot? Hindi natin alam. Diyos lang ang nakakaalam. Diyos lang ang may kasagutan para sa lahat ng katanungan na ito. Kung malalaman natin ang mga dahilan na iyon ay maaaring mas mapadali ang lahat sa buhay, pero nasaan ang misteryo? Oo, gusto natin ng madaling buhay, yung walang komplikasyon, yung walang balakid. Nasaan naman ang pakikipagsapalaran dun? Nasaan ang pagtutuklas? Ano pa ang dapat nating malaman? Eh di wala na. Ano pa ang saysay ng buhay?

Paano ba napapasok ng tao ang buhay na sabi nga ng iba ay hindi naman nila ginusto, hindi para sa kanila pero yun ang meron sila. Paano bang napasok ng isang Mackenzie Joan ang buhay na ito? Paano namang napasok ng isang Dwaine Paul ang buhay na ito? Simple lang naman ang sagot dito. Tadhana. Yun ang tadhana nilang dalawa. Doon talaga ang punta nilang dalawa, dahil yun ang nakatadhana sa kanila. Yung mga taong nasalubong nila bago nila narating ang puntong ito ay mga supporting roles lang ng buhay nila, ang iba naman ay mga key players para sa pagtatagpo nila. Yung iba naman ay mga panggulo lang.

Can't Fight This Feeling 1Where stories live. Discover now